Pia Wurtzbach, nag-skydiving sa unang pagkakataon sa Dubai

Sa unang pagkakataon, sinubukang mag-sky diving ni Pia Wurtzbach habang siya'y nasa bakasyon sa Dubai kasama ang kanyang boyfriend at racer driver na si Marlon Stockinger.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/22/2019 2:40 PM
Pia Wurtzbach, nag-skydiving sa unang pagkakataon sa Dubai


Photo credit: @piawurtzbach/ @marlonstockinger on Instagram

Sa unang pagkakataon, sinubukang mag-sky diving ni Pia Wurtzbach habang siya'y nasa bakasyon sa Dubai kasama ang kanyang boyfriend at racer driver na si Marlon Stockinger.

Mismong si Marlon ang nag-post sa kanyang Instagram Stories ng videos ng dating Miss Universe ilang oras bago siya sumakay ng eroplano.

Halata namang magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ni Pia.

"I am shaking. My hands are sweaty," aniya.

Sa ngayon ay hindi pa nag-a-upload ng anumang litrato o video si Pia sa kanyang Instagram feed patungkol sa kanyang unang sky diving experience. Ngunit nakuhanan siya ni Marlon habang nagla-landing gamit ang parachute matapos ang kanyang air dive.

"She made it!," ani Marlon.

Photo credit: @marlonstockinger on Instagram