Gerald Anderson, nailang ba sa kanyang bagong leading lady?

Ibang Gerald Anderson din daw ang mapapanood ngayon sa bagong proyekto.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/22/2019 8:35 AM
Gerald Anderson, nailang ba sa kanyang bagong leading lady?


Hindi itinanggi ng aktor na si Gerald Anderson na nakaramdam siya ng pagka-ilang sa kanyang bagong leading lady sa pelikula na si Julia Barretto sa Between Maybes.

Kuwento ni Gerald “I think ‘yung first look test namin, or lay-out namin umupo ako tapos tinanong ko sila kung ‘okay lang ba?’ Hindi ba parang (alangan). Sabi nila ‘okay naman.”

Bukod sa bagong leading lady, extra special din para kay Gerald ang location ng kanilang shoot sa Saga, Japan na first time din niyang napuntahan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

sabishii hitori wa iya da 🇯🇵 #betweenmaybes

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

But before that siyempre I was excited, kasi siya ‘yung pinaka youngest na nakasama ko bilang leading lady, and something different maganda ang project, sa Japan kami nag-shoot, first time namin doon sa area, so parang everything just came together and walang negative,” ani Gerald.

Pagdating naman sa kanyang karakter, ibang Gerald din daw ang mapapanuod sa kanya ngayon kung saan napa-hugot pa siya ng kanyang sagot.

“Medyo quiet si Louis, naka-isolate ang sarili niya sa mundo. Medyo malayo sa akin, but lahat naman tayo minsan may times na gusto natin lumayo and gusto natin i-isolate ang sarili natin sa lahat ng tao sa paligid natin,” pahayag ni Gerald.

Sa darating na May 15, mapapanuod ang Between Maybes sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.