• Home
  • Fresh Scoops
  • ABS-CBN’s new Summer Station ID gives pop vibes, features Idol PH stars

ABS-CBN’s new Summer Station ID gives pop vibes, features Idol PH stars

Mga judge ng Idol Philippines na sina Vice Ganda, Regine Velasquez, James Reid, Moira Dela Torre at host Billy Crawford, bumida sa recording music video ng ABS-CBN Summer Station ID 2019.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/22/2019 10:04 AM
ABS-CBN’s new Summer Station ID gives pop vibes, features Idol PH stars


Kasabay sa unang araw ng inaabangang singing competition sa telebisyon, ang Idol Philippines, ay inilabas din ng Kapamilya Network ang pinaka-bago nitong Summer Station ID. 

Sa recording music video ng 'Summer is Love,' bumida dito ang Idol Philippines judges na sina Vice Ganda, Regine Velasquez, James Reid, Moira Dela Torre, at ang host na si Billy Crawford. 

Sa panulat nina Robert Labayen at Lloyd Oliver Corpuz, kasama rin ang rap lyrics nina Yumi at Thyro, sinundan ng 'Summer is Love' ang mga nakaraang at trending Christmas campaigns ng ABS-CBN, ang Just Love at Family is Love.

Nakatakda namang ilabas ang opisyal na music video ng 'Summer is Love' sa katapusan ng Abril. 

Panoorin ang recording music video dito: