• Home
  • Fresh Scoops
  • TIGNAN: Jolo Revilla, nasa Boracay kasama ang bagong girlfriend na si Angelica Alita

TIGNAN: Jolo Revilla, nasa Boracay kasama ang bagong girlfriend na si Angelica Alita

Nag-post ang ang actor-politician nitong Linggo sa kanyang Instagram account ng litrato kasama ang beauty queen habang naka-bakasyon sa Boracay.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/21/2019 6:22 PM
TIGNAN: Jolo Revilla, nasa Boracay kasama ang bagong girlfriend na si Angelica Alita


Photo credit: @jolo_revilla @angelicaalita on Instagram

Nasa Boracay ngayon ang aktor at politician na si Jolo Revilla kasama ang kanyang bagong girlfriend na si Angelica Alita.

Nag-post si Jolo nitong Linggo sa kanyang Instagram account ng litrato kasama ang beauty queen habang nasa bakasyon. Aniya sa caption, “Thanks for loving me for who I am. Looking forward to more adventures in our wonderful journey together.” 

 

 

Nag-post din si Angelica, na nanalo bilang first runner-up sa Binibining Pilipinas noong 2016, sa kanyang page ng photo nila ni Jolo.

“There’s nothing not to love about you. Thank you for making our world so wonderful, on to the next,” aniya. 

 

 

Unang na-link ang dalawa noong Henero matapos na makita si Angelica sa birthday celebration ng anak ni Jolo na si Gab kasama ang pamilya Revilla. 

 

 

Ngunit nito lang Pebrero nakumpirma ang kanilang relasyon matapos na batiin ni Jolo si Angelica sa kanyang Instagram noong Valentine’s Day.