• Home
  • Fresh Scoops
  • Sam Milby defends Yam Concepcion's character in ‘Halik’: ‘Jade is a victim’

Sam Milby defends Yam Concepcion's character in ‘Halik’: ‘Jade is a victim’

Ikinuwento ni Sam Milby ang minsang makatanggap siya ng death threat mula sa isang netizen.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/21/2019 11:03 AM
Sam Milby defends Yam Concepcion's character in ‘Halik’: ‘Jade is a victim’


Sa ekslusibong interview ng PUSH sa Halik leading man na si Sam Milby, inamin niya na maging siya ay hindi kayang ipagtanggol ang karakter na Ace sa mga bashers nito. 

"I think the bashing that he gets, he deserves," pahayag ni Sam sa isang episode ng PUSH Bets Live. 

Dagdag pa niya, si Ace talaga ang totong masama, kaysa sa karakter ni Yam Concepcion na si Jade, "I see a lot of more hate kay Jade. I understand that but we have to remember that Jade is a victim. Ace is the real bad guy."

"Si Jade, nagtaksil siya, only because of Ace, wala siyang ibang lalaki and yung selos niya kay Jackie. But I feel that Ace is really the evil one, at wala siyang remorse. 

"Si Jade kasi nag-sorry siya kay Lino at alam niya yung ginawa niya. She had a moment of humility. But she's kinda building back up into that becoming evil," paliwanag ni Sam. 

Sina Ace at Jade ang kinaiinisang mga karakter sa Halik, dahil sa isyu ng pagkakaroon ng relasyon, sa kabila na mayroon na silang kanya-kanyang asawa, si Jacky (ginamapanan ni Yen Santos) at Lino (ginamapanan ni Jericho Rosales). 

Dahil sa sunud-sunod na araw bilang trending sa social media, nagkaroon na rin ng 'kampihan' sa pagitan nina Jade at Jacky, na sikat ngayon bilang, 'Team Jade VS Team Jacky.'

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

At the #ABSCBNfrx trade launch last night. #Halik malapit na 😊

A post shared by Sam Milby (@samuelmilby) on

READ: Sam Milby at Yam Concepcion, nagkapikunan daw sa isang eksena sa ‘Halik’

Sa parehong episode din ng Push Bets, ay ikinuwento ni Sam ang minsang nakatanggap siya ng death threat mula sa isang tagasubaybay ng teleseryeng Halik. 

"I've gotten some messages before, na parang 'Punta ka sa ABS-CBN ng ganitong oras, papatayin kita.' Parang ganon," kwento niya. 

Ayon kay Sam, hindi niya pine-personal ang mga hate comments at threats sa kanya online, patunay lang daw ito na effective ang acting niya sa naturang teleserye. 

"But yeah, I appreciate it naman anyway, cause somtimes bilang evil character, takot ako [kapag] may mall show ako para sa Halik, sometimes I'm afraid na sa mall shows may biglang [umatake sa akin] sa sobrang bwisit nila sa character ko," dagdag niya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Sam Milby (@samuelmilby) on