• Home
  • Fresh Scoops
  • Non-showbiz boyfriend ni Maja Salvador, overwhelmed ba sa kanyang career?

Non-showbiz boyfriend ni Maja Salvador, overwhelmed ba sa kanyang career?

Nagugulat ang non-showbiz inspiration ni Maja Salvador sa atensyon na nakukuha niya sa social media.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/21/2019 10:53 AM
Non-showbiz boyfriend ni Maja Salvador, overwhelmed ba sa kanyang career?


Photo credits to the owner

Tila mas nasasanay na daw ngayon sa atensyon ang non-showbiz inspiration ng Kapamilya star na si Maja Salvador na si Rambo Nuñez.

READ: Maja Salvador posts photos with rumored boyfriend Rambo Nuñez

Kasunod ito nang ipakilala ni Maja si Rambo sa social media bilang isa sa mga nagbibigay ngiti sa kanya ngayon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

🌅

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

Kuwento ni Maja,“Sobrang naiintindihan niya, ‘yung trabaho. Teka ano ba meron sa non-showbiz (laughs), ako pag may boyfriend naman, hindi naman ako nagbibigay ng detalye talaga. Mas pinipili ko manahimik,” aniya sa panayam ng entertainment press.

Para kay Maja, isa si Rambo sa masasabi niyang mas espesyal sa kanya ngayon kaya hindi siya maramot sa pagbibigay detalye sa kanyang buhay pag-ibig ngayon.

“Oo public figure ako, pero as much as I want, I can, ayaw ko mag bigay ng detalye, sa akin nalang ‘yun. But at least, Hindi ako maramot ngayon sa pagsi-share and kung gaano ako ka happy,” sabi pa ni Maja.

Dagdag pa ni Maja, ramdam din daw ni Rambo ang atensyon na nakukuha niya sa social media dahil sa mga sumusubaybay sa kanilang relasyon.

“Nagugulat siya. Nagugulat siya na biglang dumadami na ‘yung followers niya, tapos natatawa siya na 'pag hindi siya na ta-tag sa social media. May mga comments na ‘LQ ba kayo ni Ate Maja?’ parang may ganon pero natutuwa naman din siya,” pahayag pa ng aktres.

Sa ngayon, kasalukuyang nasa Amerika si Maja at Rambo para sa isang bakasyon kasama ang kanilang mga pamilya.