Coco Martin, nagiwan ng mensahe para sa mga tsismosa

Sa isang mahabang post sa kanyang Instagram, sinabi ni Coco Martin na gumawa na lang ng mas makabuluhang bagay ang mga nakikialam sa kanyang buhay.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/21/2019 11:38 AM
Coco Martin, nagiwan ng mensahe para sa mga tsismosa


Photo credit: @mr.cocomartin IG

Sa isang Instagram post ngayong Easter Sunday, April 21, nagulat ang followers ni Coco Martin sa kanyang mahabang post tungkol sa mga nakikialam sa buhay ng may buhay o mga tsismosa.

Sa una, ay ibinahagi ni Coco ang payo ng kanyang Lola tungkol sa mga taong mahilig pag-usapan ang buhay ng iba.

"Sabi ng Lola ko nung bata pa ako mag sumikap ka sa buhay para matupad mo lahat ng mga pangarap mo at makatulong ka sa pamilya mo at pagkatapos tumulong ka sa iyong kapwa.

"Mahirap lang ang buhay namin simple pero mapayapa. Hindi kami nang-aapi at nag-aagrabyado ng tao at lalo hindi po kami nakikielam ng buhay ng ibang tao.

"Sabi sa 'kin ng Lola ko ang mga tao mahilig pag-usapan ang buhay ng ibang tao ay ang mga taong walang magawa sa buhay nila, kaya kaysa ayusin nila ang buhay nila at alagaan ang kanilang mga anak ang kanilang mga magulang mag sumikap sa kanilang trabaho at mag aral ng mabuti mas inilalaan nila ang oras at panahon nila para pag-usapan ang buhay ng ibang tao para manira!" seryosong lahad ng aktor.

Dinepensahan din ni Coco ang kanyang pagtahimik tungkol sa kanyang personal na buhay. Sana daw ay ibinaling na lang sa mas mahalagang bagay ang oras na iginugugol para pag-usapan ang buhay ng iba.

"Ang hindi ko pagkibo at hindi pagpatol sa mga bagay na hindi ikauunlad ng ating bayan ay hindi kabaklaan, may kanya-kanya tayong buhay at tayo ang may desisyon kung pano natin patatakbuhin ito at sa aking palagay wala akong nagawang masama sa 'yo kung sino ka man, hindi ko kailangan ang mga masasakit na opinion mo!

"Nagtatrabaho lang ako at meron din akong pribadong buhay, 'wag naman sana ang buhay ko ang pagkwentuhan niyo dahil hindi interesado ang buhay ko. Mas maganda siguro humanap tayo ng ibang kapaki-pakinabang na pag-uusapan para sa ating lipunan para may maiambag nman tayo sa ating bayan!"

Sa huli sinabi ni Coco na sana ay huwag na sanang manira ng buhay ang ilang taong mahilig sa tsismis at irespeto ang kanyang desisyong magkaroon ng tahimik na personal na buhay.

"Salamat sa pagbigay mo ng panahon para pagusapan ang buhay ko. Ang trabaho ko ay umarte at bigyan ng buhay ang mga character na ginagampanan ko. Tahimik po ako na nagtatrabaho at namumuhay kaya mas makakabuti siguro ang buhay mo na lang ang ikwento mo, sigurado ako mas intersante ang buhay mo! Sana lang bago ka mawala sa mundo alam mo sasarili mo na may naibahagi kang kabutihan sa iyong kapwa hindi puro paninira!

"Pasensya kana ang desisyon ko ay panatiliin tahimik ang buhay ko at sana naiintindihan mo! God bless."

Nagtatalo naman ang mga followers ni Coco sa comment section at sinabi ng iba na hindi niya maiiwasan ang mga 'curious' sa kanyang private life dahil isa siyang public figure. Sinabi din ng iba na dapat ay irespeto din naman ang mga artistang katulad ni Coco dahil may mga kanya-kanya din silang buhay sa likod ng camera.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

😂😂😂

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

😘😘😘

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on