• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis, sinagot ang netizen tungkol sa kanyang “pagtaba”

Anne Curtis, sinagot ang netizen tungkol sa kanyang “pagtaba”

Kalmado at malambing ang sagot ni Anne Curtis sa isang netizen na nagsabing tumataba siya.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/21/2019 11:16 AM
Anne Curtis, sinagot ang netizen tungkol sa kanyang “pagtaba”


Photo credits: @annecurtissmith IG

Habang ine-enjoy ang bakasyon niya sa California, ibinida ng It's Showtime host na si Anne Curtis ang isang larawan na kuha mismo ng kanyang asawa na si Erwan Heussaff. Sa caption ng naturang Instagram post, ikinuwento ni Anne kung bakit hindi siya nakaharap sa camera, "May burger pa sa tummy ko." 

"Finally some (sun emoji) in Napa! Last cheat day tomorrow! Promise workout pagbalik!" dagdag pa ng aktres. 

Habang ang ilang mga kaibigan ay hanga sa ganda ng Instagtam photo ni Anne, nag-iwan naman ng komento ang personal workout trainer niya na si Arnold Aninion na, "We have work to do." Nireplayan naman ito nang pabiro ni Anne ng, "Let's get rid of the burger! And pizza, and fries, and steak, and pasta and ice cream."

Samantala isa pang comment mula sa netizen ang nakatanggap din ng reply kay Anne. 

"Parang tumataba ka ann?" Na sinagot ng aktres ng "I knoooooooow! Food is life e. Seeeeeeerh." 

LOOK: Anne Curtis and Erwan Heussaff spend quality time together in California