• Home
  • Fresh Scoops
  • Sylvia Sanchez to Maine Mendoza: ‘Nilaban mo ang anak ko.’

Sylvia Sanchez to Maine Mendoza: ‘Nilaban mo ang anak ko.’

Sylvia Sanchez reacts to question if son Arjo Atayde and Maine Mendoza are already an item.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/2/2019 10:49 AM
Sylvia Sanchez to Maine Mendoza: ‘Nilaban mo ang anak ko.’


Photo credit: @mainedcm on Instagram (R)

Maanghang na katanungan na naman ang sinagot ng batikang aktres Sylvia “Ibyang” Sanchez sa Tonight with Boy Abunda.

Ang unang issue ay pagpupustahan diumano nila ng anak na si Arjo Atayde ang napapabalitang girlfriend nito na si Maine Mendoza. Aniya, “Bakit namin pagpupustahan si Maine? Bakit ako papayag na pagpupustahan namin ang isang babae… babae rin ako.” Ayon kay Slyvia, ang pustahan nila ay may kinalaman sa mga projects ni Arjo na Bagman at Stranded.

READ: Arjo Atayde on starring in his first ever love story, ‘I’ve really been waiting for this’

Inamin din niya na tinaong niya si Arjo kung bakit nito nagustuhan si Maine. Na sinagot naman daw ni Arjo ng, “Swak kaming dalawa e. Nagkakaintindihan kami…”

Dagdag pa ni Sylvia, “Napapatawa siya ni Maine. Minahal niya talaga si Maine. Mahal talaga ng anak ko si Maine. Nakikita ko yun.”

READ: Arjo Atayde on how he is as a boyfriend: ‘Clingy ako’

Hindi rin daw si Arjo ang tipo ng lalaki na susuko dahil ayon kay Ibyang, “Anak siya ng tatay niya. Ilalaban ni Arjo si Maine. When in fact nilaban na.”

Hindi pa rin daw nakikilala ni Ibyang si Maine dahil sa pareho silang naging busy saka naging magulo ang mga bagay dahil sa dami ng bashers. Pero ani Ibyang, “’Pag okay na, pag relaxed na then go…”

Pero hindi pa man nadadala ni Arjo si Maine sa bahay nila, pinagmamalaki naman ni Ibyang na, “Pero ang gusto kong ginawa ng anak ko pumunta siya sa bahay ni Maine, umakyat siya sa bahay ni Maine. Ginagawa dapat yan ng lalaki.” 

READ: Maine Mendoza reveals Arjo Atayde is the first man she has introduced to her parents

Ayon pa sa batikang aktres, “So maghihintay ako kay Arjo kung kailan niya dalhin si Maine at sinabi niya sa akin, ‘Mom, soon. Papakilala ko na siya sa inyo.’ Sabi niya sa amin ng tatay niya.”

READ: Arjo Atayde on dating again: ‘Inspired na ako sa lahat ng bagay’

May mensahe din si Ibyang apra kay Maine, “Nasa top ka. Maine Mendoza ka. Hinahangaan ka. Grabe yung career mo at alam natin na puwedeng maapektuhan ‘to… pero nilaban mo ang anak ko. Nagsalita din siya na, ‘We’re exclusively dating.’ Nagpapasalamat ako kasi yun ang sinabi ng anak ko, sinegundahan niya.”

Dagdag pa ni Ibyang, “Ang daming nagsasabi noon na nangangarap lang anak ko, stalker lang ang anak ko… masakit yun para sa isang nanay, Tito Boy. Masaya ako kasi hindi natakot si Maine at pinanindigan din niya yung alam niyang tama.”

READ: Kilig! For the first time ever, Maine Mendoza shares a photo with Arjo Atayde

Sa tanong naman kung gusto niya si Maine bilang girlfriend ni Arjo, sinagot ito ni Ibyang ng “yes.” Nang tanungin naman kung si Maine na at si Arjo, hindi nakasagot si Ibyang at tumawa na lang ito.