• Home
  • Fresh Scoops
  • Mar Roxas on being a father to Pepe and Pilar: ‘Biglang tatay nanay, biglang lolo lola’

Mar Roxas on being a father to Pepe and Pilar: ‘Biglang tatay nanay, biglang lolo lola’

Korina Sanchez at Mar Roxas, nagkuwento tungkol sa pagbiyahe nila sa kambal na sina Pepe at Pilar

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/2/2019 10:57 AM
Mar Roxas on being a father to Pepe and Pilar: ‘Biglang tatay nanay, biglang lolo lola’


Photo credit: @korina on Instagram (R)

Sa ulat ng TV Patrol, masayang nagbalik sa Pilipinas mula New York kahapon April 1, sina first-time mom Korina Sanchez-Roxas at politician Mar Roxas. Espesyal ang pagbabalik bansa na ito dahil kasama nila ang kanilang twin babies na sina Pepe at Pilar. 

READ: Korina Sanchez, Mar Roxas arrive in Manila with twins Pepe and Pilar

Ayon kay Korina, hindi naging madali ang pagbiyahe sa kambal. “Major production. Talagang double stroller, bassinets in the plane. You have to declare the milk tapos kailangan ng car seat. Major production pero nakaraos naman kasi mababait.”

Hindi na rin daw gadgets ang laman ng hand carry luggage ngayon ni Mar. “Dati rati kung magbiyahe kami siyempre may hand carry ka na kung anu-anong mga gadgets na nabili mo. Ngayon yung hand carry, lampin, diaper, bote ng gatas…” ani Mar.

Sumalubong din sa pamilya ang excited na lola na si Judy Araneta-Roxas.

Ayon pa kay Korina, hindi lang nicknames ang Pepe at Pilar. “It’s part of their real four or five names before the surname.” 

Sa pagbabalik bansa nila, hindi na rin daw nila papansinin ang bashers kundi magpapasalamat na lang sa mga taong todo ang pagmamahal at suporta sa pamilya nila. “We’re very thankful for everybody who’s genuinely happy for us. Alam mo naman hindi natin inakala na mangyayari pa sa amin ni Mar ‘to, ‘di ba?” ani Korina. 

Sabi naman ng masayang ama, “Retired na kami e, senior citizen na kami. So biglang tatay nanay, biglang lolo lola.” Pahabol pa ng hands-on mom, “’Yan ang magpapahaba sa buhay naming dalawa.”

READ: New mom Korina Sanchez introduces fraternal twins Pepe and Pilar