• Home
  • Fresh Scoops
  • Kahit na may walo ng anak, Joel Cruz plano pang dagdagan ang mga kambal?

Kahit na may walo ng anak, Joel Cruz plano pang dagdagan ang mga kambal?

Hindi din itinanggi ni Joel Cruz ang selosan sa kanyang mga anak.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/2/2019 11:57 AM
Kahit na may walo ng anak, Joel Cruz plano pang dagdagan ang mga kambal?


Labis na kasiyahan ang nararamdaman ng Philippines lord of scents na si Joel Cruz sa naganap na binyag ng kambal na anak na sila Zaid at Ziv nitong weekend.

LOOK: Joel Cruz welcomes sons Zeid and Ziv to the Christian world

Sa naging panayam ng PUSH, ABS-CBN News, at iba pang entertainment press, inamin ni Joel na may plano pa siyang dagdagan pa ang kanyang apat na pares na kambal.

“I was thinking na madagdagan pa sana, gusto ko sana girl. Kasi mga I have six sons, dalawa lang ang babae,” pahayag ni Joel sa press.

Paliwanag ni Joel, kahit sa tulong ng siyensya, wala pa din daw kasiguraduhan kung ma-a-achieve ba ang gender selection sa kanyang future babies.

READ: Ilang baby nga ba ang gusto ni Joel Cruz?

“Although ang sabi sa akin sa Russia, baka may risk. You know naman the fertilized embryo, it’s so small, and they have to get the chromosome, so baka ma-damaged pa ang chromosomes so sabi namin sige ‘wag nalang kung ano nalang ang ibigay ng Panginoon sa atin tatanggapin natin,” paliwanag ni Joel.

“So we’ll see, titignan natin kung itutuloy ko pa ba (‘to 10th baby) nakaka-pagod na din kasi (laughs) medyo lie-low na din muna ako nang konti,” masayang kuwento pa niya.

At dahil dumarami na ang bilang ng kanyang mga anak, aminado si Joel na may pagkakataon na may selosan ang bawat isa dito sa kanyang atensyon.

“Sometimes may selosan, but it’s normal so ako ang nag-adjust pag may selosan. Kunwari ‘yung isa hindi ko masyado napansin, ako ‘yung mag-aadjust sa kanya ibibigay ko ang attention ko sa kanya,” aniya.

“I have to explain to them again and again kasi hindi mo maiiwasan sa twins na may selosan talaga,” pahayag pa ni Joel.

Sa ngayon, labis na nagpapasalamat si Joel sa malulusog at maaayos na kalagayan ng kanyang mga anak.