JM De Guzman, ibinahagi ang pinagdaanang breakup

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/2/2019 11:58 AM
JM De Guzman, ibinahagi ang pinagdaanang breakup


Bagong tambalan nila JM De Guzman at Arci Muñoz ang aabangan sa Last Fool Show ng Star Cinema kung saan ginagampanan nila ang ang isang former couple na kailangan magsama muli para sa trabaho.

Sa media conference para sa pelikula, seryosong sinagot ni JM ang kanyang pinagdaanan sa isang masakit na breakup.

“Lingid sa kaalaman ng lahat dumaan ako sa therapy. Sabi sa akin unconsciously I’m trying to sabotage myself,” pag-amin ng aktor.

Dagdag pa niya, marami siyang natutunan sa chapter na ito ng kanyang buhay.

“Pangalawa, unconsciously it’s a cry for help. Yung nangyari sa akin both conscious. I was overwhelmed by emotions. Kasi nung time na yun nagsabay-sabay eh,” kuwento pa ni JM.

At hanggang ngayon, may kirot pa din na nararamdaman si JM na kailangan niyang lagpasan.

“Ako I tried to, I tried my best not to show other people na may internal war pa rin ako pero di ako sumusuko,” pahayag pa ni JM.

Mapapanuod ang Last Fool Show simula sa April 10.