• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Idol Philippines’ at ‘Tawag Ng Tanghalan’ magkakabanggaan nga ba sa paghahanap ng bagong singer?

‘Idol Philippines’ at ‘Tawag Ng Tanghalan’ magkakabanggaan nga ba sa paghahanap ng bagong singer?

Nagbigay pahayag si Ogie Alcasid sa tila pagkakapareho ng format ng dalawang Kapamilya singing search sa ABS-CBN.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/2/2019 11:53 AM
‘Idol Philippines’ at ‘Tawag Ng Tanghalan’ magkakabanggaan nga ba sa paghahanap ng bagong singer?


Isa ang singer- songwriter na si Ogie Alcasid sa mga proud at excited para sa nalalapit na pagsisimula ng pinakabagong singing search sa Kapamilya network, ang Idol Philippines.

Kasama dito ang kanyang misis na si Regine Velasquez na first time uupo bilang hurado para sa isang singing search.

“Regine is, sa aking opinyon aside from being technical sa kanyang approach sa judging, mayroon siyang hinahanap na X-factor that extra unexplained charisma ng isang singer na hinahanap niya,” ani Ogie sa PUSH.

 “Lagi niyang sinasabi ‘yung nakita niya noon kay Sarah (Geronimo). I think magiging ganyan din siya for this new show,” patuloy pa niya.

At dahil kapwa nasa magka-ibang singing search sina Ogie at Regine, hindi nakikita ng singer-songwriter na kompetisyon ito ng dalawang magkaparehong programa.

“Ang production kasi ng Idol Philippines at ng Tawag Ng Tanghalan, nag-uusap naman ‘yan e’, so very clear naman sa kanila ‘yung road map noong bawat contest. And mayroon siyang kanya-kanyang specializiations,” sabi ni Ogie.

Paliwanag ni Ogie, “More than magkakabanggaan, I think they (two programs) will support each other and ang dami naman magaling talaga (na singer),” aniya.

“And I’m so sure na ‘yung mga sumali na sa ‘Tawag Ng Tanghalan’ e maaring maging ‘Idol’ naman,” pahayag pa ni Ogie.

Inaasahan na sa kalagitnaan ng Abril magsisimula ang Idol Philippines sa ABS-CBN.