Dulce, ramdam ang tensyon sa ‘Tawag Ng Tanghalan’

Isa ngayon ang Powerhouse singer sa mga puntirya ng basher sa social media.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/2/2019 11:48 AM
Dulce, ramdam ang tensyon sa ‘Tawag Ng Tanghalan’


Extra special ngayon ang entablado para kay Dulce na makakasama ang OPM icons na sina Marco Sison at Nonoy Zuñiga sa kanilang The Sound of Romance concert ngayong darating na Abril 5.

Isa ngayon si Dulce sa mga napapanuod bilang hurado sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime.

Dahil hurado, aminado si Dulce na nakakaramdam siya ngayon ng kaba na i-judge din ng mga manunuod sa kanyang concert.

“Oo ganun na nga,” masayang tugon ng Powerhouse Diva.

“Natatakot ako kasi napakalibre ngayon na mang-away, kaya noong kinukuha ako nagdalawang isip ako na ayoko talaga. Pero dahil nga ang mga kasama ko marami na din experience, dapat daw i-share ko na sa mga kabataan,” paliwanag ni Dulce.

Sa kanya namang mapanuring talento sa Tawag Ng Tanghalan, inamin OPM icon na madalas siyang na-ba-bash ngayon sa social media.

“Di ba noong nag-gong si Jaya sa ‘Tawag Ng Tanghalan’ ang dami umaway sa kanya? Sa akin naman bakit daw up to now bakit daw wala pa akong na-go-gong. Parang sinasabi pa nang iba may diprensya daw ako sa utak,” sabi pa niya.

Maingat man ngayon sa pagtanggap ng mga proyekto si Dulce, hindi naman pinalagpas ng powerhouse singer ang pagkakataon na ito ngayon kasama sina Marco at Nonoy.