• Home
  • Fresh Scoops
  • TNT Boys, handa na nga ba sa pagbabago ng kanilang mga boses?

TNT Boys, handa na nga ba sa pagbabago ng kanilang mga boses?

Hindi din pinababayaan ng TNT Boys ang kanilang pag-aaral.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/18/2019 7:45 AM
TNT Boys, handa na nga ba sa pagbabago ng kanilang mga boses?


Todo birit ang TNT Boys na sina Keifer Sanchez, Mackie Empuerto, at Francis Concepcion ng iparinig ang kanilang bagong single sa entertainment press sa media conference ng kanilang Listen world tour.

 

Dahil hindi na mapigilan ang kanilang paglaki at pagpasok sa puberty stage, inamin ng TNT Boys na kailangan na nila mag-adjust sa kanilang pagkanta.

Kuwento ni Mackie, siya ang unang nakaramdam ng pagbabagong ito.

“Tinutulungan po ako ni Kiefer and Francis po na ma-reach ang mga notes na hindi ko na po nari-reach po. Nagtutulungan po kami kaya confident po ako,” kuwento niya.

“Parang 'yung dati ko pong boses ay one pitch higher sa boses ko po ngayon,” patuloy pa niya.

Kahit ayaw pa nila ay kailangan na nilang tanggapin ang mga pagbabago sa kanilang pagbibinata.

“Sana po hindi kami dumaan doon. Pero kailangan din po naming tanggapin na magbabago rin po kami,” ani Francis.

Bukod sa usapin ng pagkanta at pagbabago sa kanilang mga boses, hindi naman daw nakakalimot ang TNT Boys sa kanilang pag-aaral.

Dito, ipinagmalaki din nila ang kanilang paboritong school subjects at latest school achievements.

“Ako po Araling Panlipunan tapos yung character ko po most joyful,” ani Francis.

“Ako po best in Math po at yung self ko daw po responsibility (laughs),” masayang sabi ni Mackie.

Si Keifer naman, “Ako po best in English po tapos yung characteristic award ko is Diligence po,” pahayag ni Kiefer.

Sa ngayon, todo paghahanda na ang TNT Boys para sa kanilang Listen world tour ngayong April 23, 24, at 27.