• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunshine Cruz, umamin na minsang nakalimutan mahalin ang sarili

Sunshine Cruz, umamin na minsang nakalimutan mahalin ang sarili

Inamin din ni Sunshine Cruz na si Macky Mathay ang nagbalik muli ng kanyang kompiyansa sa sarili.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/18/2019 8:00 AM
Sunshine Cruz, umamin na minsang nakalimutan mahalin ang sarili


Masayang inilarawan ng nagbabalik Kapamilya na si Sunshine Cruz ang estado ng kanyang puso ngayon sa piling ng kanyang businessman boyfriend Ismael “Macky” Mathay.

Kuwento ni Sunshine, masaya at steady ang realsyon nila ngayon ni Macky na isa ngayon sa nagbibigay inspirasyon sa kanyang buhay.

“Okay naman. Of course pareho kami nagsu-support sa pangarap ng isa’t-isa, so happy lang. Kasi nandito na kami sa point ng our lives na ang dami na namin pinagdaanan, so pag magkasama kami happy lang. We inspire each other to be the best we can be, so ganun lang,” kuwento ni Sunshine.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#saturdaynight spent with this one.☺️

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

 

Masasabi din ni Sunshine na isa si Macky sa mga nagbigay muli ng inspirasyon sa kanya na  muling maging masaya at alagaan ang kanyang sarili.

“I take care of myself. Kasi there was a time that I forgot to love myself. Ngayon sabi ko nga, ‘How can people love me, how can people support me if ako naman, hindi ko naman kaya na mahalin ang sarili ko?’  So it is very important na magsimula sa atin ang pagmamahal,” aniya.

Dumaan man sa hamon ng buhay, isang aral din sa sarili ang ibinahagi ni Sunshine para sa iba.

“Mahalin muna natin ang sarili natin bago tayo magbigay ng pagmamahal,” pahayag pa ng aktres.