‘Miss Saigon’ actor Gerald Santos balik-Pilipinas na

Naghahanda na rin para sa kanyang Homecoming Concert si Gerald Santos.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/20/2019 6:30 AM
‘Miss Saigon’ actor Gerald Santos balik-Pilipinas na


Photo credit: @thegeraldsantos on Instagram

Balik Pilipinas ang isa sa mga Pinoy Pride na singer-actor na si Gerald Santos matapos ang pagganap sa nakaraang Miss Saigon Tour nitong March 2019.

Taong 2017 noong unang lumabas ng bansa si Gerald, nang mapili siya ng Miss Saigon producer na si Cameron Macintosh para gumanap bilang si Thuy. 

Sa isang post ni Gerald sa kanyang Instagram, opisyal siyang nagpaalam sa kanyang role kasama ang isang larawan suot ang kanyang costume. "Today, I bid goodbye to a most challenging yet beautiful role I played for the past 22 months!" sabi niya sa caption.

 

Sa parehong post ay nagpasalamat din si Gerald sa mga nakasama niya sa produksyon, maging sa mga nagbigay sa kanya ng oportunidad para mapasama sa prestihiyosong pagtatanghal. "Thank you everyone in the company for making my life happier and easier these past 2 years!

"I shall rest this uniform with so much honor and pride as I have given my best in my every performance. TO GOD BE THE GLORY!" dagdag niya. 

Ngayong balik-Pilipinas ang Pinoy Pop Superstar Season 2 champion, nakatakda naman siyang mag-perform sa harap ng kanyang Filipino fans sa nalalapit niyang 'Homecoming Concert.'

 

Sa naturang concert din makakasama niya si Jake Zyrus at ang mga kapwa Miss Saigon alumni na sina Joreen Bautista, Aicelle Santos, at Leo Valdez.

Gaganapin sa Solaire Theater, May 4 ang Gerald Santos: The Homecoming Concert.