Julia Barretto, naghahanda para maging susunod na Darna?

Game daw si Julia kung sakaling ibigay sakanya ang iconic Pinay superhero role.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/17/2019 11:37 AM
Julia Barretto, naghahanda para maging susunod na Darna?


All set na ang Kapamilya stars na sina Gerald Anderson at Julia Barretto para sa kanilang bagong pelikula na Between Maybes.

Kuwento ni Julia aprubado ng kanyang on-screen partner at boyfriend na si Joshua Garcia ang pakikipagtrabaho nila sa ibang kapareha.

“Si Joshua and I, we already have talked about being also open to do solo films and projects and we both acknowledged naman na it’s for our own growth,” palinawag niya sa naging panayam ng PUSH at ABS-CBN news.

“So it’s a mutual decision, it was talked about, it’s not something we just jumped to do di’ ba, pinag-usapan. So i didn’t hesitate to do this both Josh and I are in same page. He’s also doing his solo film also,” paliwanag pa ni Julia.

Sa naturang panayam din sinabi Julia na game siya kung sakaling I-offer sa kanya ang iconic role ni Darna. Kasunod ito nang naging pag-urong ni Liza Soberano dahil sa kanyang naging Injury sa daliri.

READ: Liza Soberano, hindi na matutuloy sa pagganap bilang Darna

“I’d do it!” ani Julia. “If there were auditions, I go to that audition in Panty and Bra just to do the thing (role) (laughs)” pabirong tugon niya.

Hindi man kumpirmado ngayon kung sino ang gaganap bilang si Darna, malaki ang pasalamat ni Julia na isa siya sa mga maugong na pangalan na pinagpipilian ng netizens para gumanap sa iconic Pinay superhero.

“Thank you so much for thinking about me, I mean that’s a huge thing,” aniya.

Ipinaliwanag din ni Julia ang dahilan ng kanyang pagpapaganda ng katawan at mariin niyang tanggi hindi ito para sa Darna.

“No because I’m also doing a film Block Z kasi hinahabol ko si Ge para pagdting ng premier night pareho kaming borta (Laughs),” masayang tugon ni Julia.

“I’m doing a film and it’s required to get fit, there’s a specific scene that my director ask me to get prepare for my arms for it,” pahayag pa niya.

Sa darating na May 15 mapapanood ang Between Maybes sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.