Gary Valenciano, ibinahagi ang kanyang pananaw sa kamatayan

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/19/2019 7:00 AM
Gary Valenciano, ibinahagi ang kanyang pananaw sa kamatayan


Tila wala nang kinatatakutan pa si Mr. Pure Energy Gary Valenciano matapos dumaan sa matinding hamon sa kanyang buhay.

Matatandaan na halos isang taon na ngayon nang sumailim siya sa isang sa open heart surgery na nasundan ng paggamot sa kanyang kidney cancer.

READ: Gary Valenciano, sumailalim sa open heart surgery

READ: Gary Valenciano reveals he had kidney cancer

Sa naging panayam kay Gary ng entertainment press, isa sa mga naging usapan ang kanyang mga naging realizations matapos ang mga pinagdaanang karamdaman.

“There are things that I am still realizing. It’s not just one big event in my life that I realize these things,” aniya.

“But I see how precious life is now, na nag-iba ang perspective ko on the things that I do. After 35 years kasi in the industry, minsan pumapasok kasi sa isip mo na, ‘Sige perform lang ako. Magugustuhan naman nila yan e.’ But there’s a lot more [that] must be done specially for the generation now,” paliwanag ni Gary.

Bukod sa kanyang mga realizations sa buhay, naibahagi din ni Mr. Pure Energy ang kanyang pananaw sa pamamaalam o pagtatapos ng buhay sa mundo na aniya ay hindi niya kinatatakutan na dumating sa kanya.

“No. Never been and lalo na now,” tugon ni Gary.

“I don’t know, I just feel na I think I’ll be scared of death if I knew that I was alive today tapos wala akong ginagawa to fulfil my purpose, whatever it is. But I’m doing that e, I’m fulfilling a purpose. I see it in the faces of young people,” aniya.

“So, if it’s time for me to go, then I know at least it’s time because nagawa ko na, natapos ko na lahat ng kailangan kong gawin,” pahayag ni Gary.