• Home
  • Fresh Scoops
  • Dimples Romana, sinorpresa ng ilang showbiz friends sa kanyang book launch

Dimples Romana, sinorpresa ng ilang showbiz friends sa kanyang book launch

Hindi mapigilang umiyak ni Dimples Romana matapos siyang sorpresahin ng ilang mga kaibigan sa showbiz sa launch ng kanyang book. ‘Dimps Tips’.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/20/2019 6:00 AM
Dimples Romana, sinorpresa ng ilang showbiz friends sa kanyang book launch


Photo credit: @dimplesromana on Instagram

Sinorpresa ng kanyang showbiz friends ang aktres at ngayo'y author na si Dimples Romana sa kanyang naganap na book launch noong Linggo, April 14.

Sa tweet ng ABS-CBN PR, nakuhaang emosyonal si Dimples matapos na magpakita sina Albert Martinez, Beauty Gonzalez, Adrian Alandy, Alex Medina, Ria Atayde, Kat Galang, Robert Seña at asawa nitong si Isay Alvarez, at matalik niyang kaibigan na si Angel Locsin kasama ang boyfriend nitong si Neil Arce upang suportahan siya sa event na ginanap sa National Book Store sa Shangri-La Mall sa Ortigas Center.

 

 

Pinasalamatan naman ni Dimples ang kanyang mga co-actors sa pagdalo sa kanyang Instagram post noong Lunes, April 15. Aniya, "The Greatest Love, Bagani, and Kadenang Ginto represent. Ang yamaaaaan ko, sa kaibigan. Walang nang mapagsidlan ng pasasalamat at pagmamahal ko sa inyo."

 

Samantala, ang kanyang libro na pinamagatang Dimps Tips ay naglalaman ng 52 helpful tips para sa mga kapwa niyang ina. Ani Dimples, "I hope to inspire you with my words and my faith. Sharing the key to living a life full of joy, peace and deeper understanding of oneself. My motherhood journey is your journey, too. 16 years of a strong marriage, 16 years of mindful motherhood, unified in-law families, a job I’m most passionate about, businesses and a balanced lifestyle."