• Home
  • Fresh Scoops
  • Catriona Gray on Bb Pilipinas 2019 contestants: ‘I have such high hopes for the batch’

Catriona Gray on Bb Pilipinas 2019 contestants: ‘I have such high hopes for the batch’

Kinumpirma din ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang pagdalo niya sa coronation night ng Binibining Pilipinas 2019.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/18/2019 6:45 AM
Catriona Gray on Bb Pilipinas 2019 contestants: ‘I have such high hopes for the batch’


Excited nang dumalo ang reigning Miss Universe 2018 na si Catriona Gray para sa kanyang final walk bilang Miss Universe Philippines sa darating na Bininbining Pilipinas Grand coronation night sa June 9. 

"I'm excited to see how they will shine and how they've taken their perception of their journey and made it their own. 'Cause if I did anything, I did that, I made my journey my own," pahayag ni Catriona sa press sa isang endorsement event niya para sa Jollibee.

READ: Kilalanin ang mga kandidata ng 2019 Binibining Pilipinas

Naniniwala si Catriona na natural na ang pagkakaroon ng matinding pressure para sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas, dahil sa sunud-sunod na pagpapakitang gilas ng Pilipinas sa mga nakaraang taon.

"I think in general, too. Because Filipinas have been doing so well internationally, in the beauty pageants.

"And I have such high hopes for the batch, I think they are amazing batch of women, and I will be there at the show at the coronation night for the Binibining Pilipinas 2019," sabi ni Catriona.

 

Samantala, ‘di napigilan ang tuwa ng beauty queen nang banggitin ang rice paddy art ng Philippine Rice Research Institute na nag-viral sa social media kamakailan.

"I saw it, I was tagged. And I was like, ‘Totoo ba 'to?’ Akala ko parang illusion lang. But then I saw so many people standing by it, and it was so cool," reaksyon ni Catriona.

Sa ngayon, habang hinihintay ang grand coronation night ng Binibining Pilipinas sa Hunyo, lilipad papuntang iba't-ibang bansa si Catriona para gampanan ang mga ipinangakong adbokasiya bilang Miss Universe.

LOOK: Binibining Pilipinas 2019 candidates in their swimsuits

READ: Pagtulong sa kabataan, adbokasiya ng ilan sa 2019 Binibini Candidates