Angeline Quinto at K Brosas, magsasama sa isang concert

Ina-announce ito noong Martes, April 16, ni Angeline Quinto sa kanyang Instagram account.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/18/2019 6:30 AM
Angeline Quinto at K Brosas, magsasama sa isang concert


Photo credit: @loveangelinequinto on Instagram

Magsasama sa unang pagkakataon sa iisang concert ang singers at matalik na magkaibigan na sina K Brosas at Angeline Quinto.

Ina-announce ito noong Martes, April 16, ni Angeline, na kilala bilang “Queen of Teleserye Theme Songs”, sa kanyang official Instagram account. 

Aniya, “’ANGELINE K ‘To, Concert Namin ‘To’, isang gabing punong puno ng katatawanan at musika para po sa inyong lahat."

Gaganapin ang nasabing concert sa Araneta Coliseum sa Quezon City itong paparating na July 12.