• Home
  • Fresh Scoops
  • Sam Milby at Yam Concepcion, nagkapikunan daw sa isang eksena sa ‘Halik’

Sam Milby at Yam Concepcion, nagkapikunan daw sa isang eksena sa ‘Halik’

Ikinuwento ni Sam Milby ang isang eksena sa ‘Halik’ kung saan ay nagkatotohanan ang away nila ni Yam Concepcion.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/17/2019 6:53 AM
Sam Milby at Yam Concepcion, nagkapikunan daw sa isang eksena sa ‘Halik’


Inalala ng Kapamilya actor na si Sam Milby ang minsang "pikunan" nila ni Yam Concepcion sa isang eksena sa teleseryeng Halik. Sa episode ng PUSH Bets Live kahapon, April 16, ikinuwento ni Sam ang "awayan scene" ng karakter niyang si Ace at ni Yam na si Jade.

"Kami ni Yam, sa isang eksena nag-aaway kami sa kotse, tapos mayroon siyang isang tissue na tinapon sa mukha ko. Kinuha ko yung tissue tapos tinapon ko sa kanya. E kasi nagda-drive ako, natamaan ko yung labi niya, nasaktan siya," sabi ni Sam na ayon sa kanya ay ang pinagsimulan ng totoong pikunan.

"So napikon siya. Then, kinuha niya yung purse niya na parang may bakal na strap. [Binato sa] mukha ko, ang lakas, so napikon na din ako. So totoong away sa eksena," natatawang kuwento ni Sam.

Matapos ang matinding eksena ay agad daw silang humingi ng sorry sa isa't-isa, at inaming nagka-pikunan nga talaga sila. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

What goes around, comes around... #SinaksaknaHalik @halikofficial_abscbn

A post shared by Yam Concepcion (@yamconcepcion) on

 

Patuloy na mapapanuod ang huling linggo ng teleseryeng Halik sa ABS-CBN Primetime Bida. 

Bukod dito, aabangan din si Sam Milby sa isang animated film, ang Hayup Ka! mula sa Spring Films.

"I'm very excited, it’s a very cute… Hindi siya pambata na animated movie, so do not bring your kids. It’s an adult-themed animated movie but very cute siya," sabi ni Sam na first time ding mag-voice acting para sa animated film. 

Panuorin ang episode dito: