• Home
  • Fresh Scoops
  • PBB Ex-housemate Shawntel Cruz, pinarinig ang kantang sinulat para kay Hanie Jarrar

PBB Ex-housemate Shawntel Cruz, pinarinig ang kantang sinulat para kay Hanie Jarrar

Nilinaw rin ni Shawntel Cruz ang tunay na relasyon nila ngayon ni Hanie Jarrar.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/17/2019 7:10 AM
PBB Ex-housemate Shawntel Cruz, pinarinig ang kantang sinulat para kay Hanie Jarrar


Isa sa mga naging kontrobersyal na tambalan sa Pinoy Big Brother Otso ay ang namuong pagkaka-mabutihan nila Hanie Jarrar at Shawntel Cruz. Sa kabila kasi ng pagkakaroon ng girlfriend ni Hanie sa labas ng bahay, nagkaraoon ng aminan ng nararamdaman sa pagitan nila ni Shawntel.

Sa pagharap ni Shawntel sa press sa naganap na Star Hunt Grand Mediacon, dinepensahan niya ang nabuong relasyon nila ni Hanie sa loob ng bahay.

"People should understand him (Hanie) and still respect him as a person, kasi siya may pinagdadaanan, [and] hindi lang kami ang may story na ganun," ani Shawntel na inamin ding nasaktan ang mga magulang niya dahil sa pang-babash online.

"Kapag nandoon kayo sa situation na yon, just two of you understanding each other, important yon, kasi both of you knew the truth," pagpapatuloy ng ex-PBB housemate.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Swipe for a snippet of the ‘Everyday dance challenge!’ Full video coming soon!😆😆

A post shared by Hanie Jarrar (@haniejarrar) on

 

Nilinaw din ni Shawntel na nananatiling magkaibigan pa rin sila ngayon ni Hanie sa kabila ng isyu nila sa loob ng bahay.

"Ako naman, I'm really not pushing myself to be with Hanie, or  something like that, pero ako, I'm still here to be his friend, to listen to him. As much as possible, he's trying to fix it and I respect that," ani Shawntel. 

Samantala, nagpapasalamat si Shawntel sa mga sumusuporta sa kanila ni Hanie. Ito ay matapos mabalitaang may nabuo na ring love team para sa dalawa na tinatawag na ShawNie.

"Yung sa ShawNie naman, natuwa lang din ako, kasi siyempre yung nasa loob kami, problema yung between sa amin ni Hanie. And ine-expect ko nga na may situation si Hanie na ganito-ganyan. And then nung paglabas ko, ang dami namang natuwa, so sabi ko, yun naman ang nakikita nila and happy naman kami..." sabi ni Shawntel.

Bago matapos ang interview sa mga Ex-PBB female housemates, pinarinig ni Shawntel ang isang kantang sinulat para kay Hanie, na pinamagatan niyang “Everyday.”