Maja Salvador, handa nga ba maging susunod na Darna?

Kabilang si Maja Salvador sa mga matutunog na pangalan na napupusuan na gumanap sa iconic Pinay super hero.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/16/2019 12:11 PM
Maja Salvador, handa nga ba maging susunod na Darna?


Photo credit: @iammajasalvador on Instagram (R)

Isa ang pangalan ni Kapamilya star Maja Salvador sa mga napupusuan ngayon na gumanap sa iconic Pinay superhero role na Darna.

Matatandaan na kamakailan, inanunsyo na ni Liza Soberano ang pagbibitiw sa karakter ni Darna dahil sa injury sa kanyang kamay.

Read: Liza Soberano, hindi na matutuloy sa pagganap bilang Darna

Para kay Maja, “Ang pressure po kasi, ang laking pressure. Lalo na from Angel Locsin, tapos na-announced na na si Liza (Soberano). Nakakatuwa lang na ang daming may gusto, pero hindi ko kayang sagutin, kung tatangapin ko, kasi parang ang hirap po magsalita, dahil andon ako sa ang hirap sundan. Iba si Lily Cruz (laughs),” masayang pahayag ni Maja sa press.

Para kay Maja, natutuwa siya na isa siya sa mga kinokonsidera ng mga netizen para sa Pinay superhero.

“Salamat po sa lahat” ani Maja.

Ayon pa sa Kapamilya star, malaki ang respeto niya kay Liza na itunuturing niya bilang nakababatang kapatid.

“Parang ayaw ko sabayan ‘yung ingay noon, doon sa pag widthraw niya as a Darna. Kasi love ko yun e (Liza Soberano), respeto ko sa kanya. I’m sure masakit sa kanya, alam kong masakit sa kanya at alam kong gustung-gusto niya na gampanan ang Darna para sa mga fans niya na maraming naghihintay,” aniya pa.

“Pero may mga sitwasyon na hindi natin maipipilit, dahil kailangan muna natin unahin ang naging injury niya,” pahayag pa ni Maja.

Bukod kay Maja, ilan pa sa Kapamilya star gaya nina Nadine Lustre at Pia Wurtzbach ang matunog na pangalan na pinagpipilian ng fans para sa Darna.