• Home
  • Fresh Scoops
  • Nanalo ang anak ni Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao sa kanyang first amateur boxing fight matapos nitong ma-knock out ang ka-match na si Miguel Egan noong Sabado ng gabi sa Amoranto Sports Complex

Jimuel Pacquiao, nanalo sa kanyang first amateur boxing fight

Nanalo ang anak ni Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao sa kanyang first amateur boxing fight matapos nitong ma-knock out ang ka-match na si Miguel Egan noong Sabado ng gabi sa Amoranto Sports Complex

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

04/16/2019 03:14 PM
Jimuel Pacquiao, nanalo sa kanyang first amateur boxing fight
Image Credit: @teamjimuel on IG and @dyancastillejo IG

Nanalo ang anak ni Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao sa kanyang first amateur boxing fight matapos nitong ma-knock out ang ka-match na si Miguel Egan noong Sabado ng gabi sa Amoranto Sports Complex sa Quezon City.

Kabilang sa mga nanood ay ang ABS-CBN reporter na si Dyan Castillejo na na-bidyuhan ang highlight ng laban at ipinost ito sa kanyang Instagram account. Ulat nito sa caption, "Watch here is the KO win of Jimuel Pacquiao vs Miguel Egan 26 of team inaider . 2nd rd Ko , left hook right straight . Boom ! Rd 2 . . Jimuel message to his mom and dad : I won !!! . He wants to continue to train to build."

 


Hindi man nakarating ang kanyang ama upang manood, suportado naman si Jimuel ng trainers na sina Roger Haplas at Jill Lubaton sa unang laban nito. 

Ayon sa report ng Manila Times nitong Lunes, nauna nang ibinahagi ni Jimuel na gusto niyang maging parte ng Philippine team at irepresenta ang bansa sa Southeast Asian Games, Asian Games, at Olympics.