• Home
  • Fresh Scoops
  • Bianca Gonzalez shares why being a natural morena is beautiful

Bianca Gonzalez shares why being a natural morena is beautiful

Bianca Gonzalez airs her honest opinion on being a naturally brown-skinned Filipina.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/16/2019 1:45 PM
Bianca Gonzalez shares why being a natural morena is beautiful


Photo credit: @iamsuperbianca on Instagram

Muling ipinagtanggol ng Kapamilya host na si Bianca Gonzalez ang pagiging natural na morena ng Pilipina, sa kanyang tweet noong Sabado, April 13. 

Para kay Bianca, hindi "kaawa-awa" ang pagiging morena. "There is no problem AT ALL sa mga gustong magpaputi. The problem is when whitening brands make us look 'kaawa-awa' dahil lang maitim kami. Kasi, hindi po kami kawawa, maganda ang kulay namin," ani Bianca na inamin ding naging inspirasyon niya ang ilang kilalang morena celebrities na sina Angel Aquino at Tweetie De Leon. 

"I looked up to them. I did not need to compare myself to fair skinned girls. It need not be a 'battle' of maitim versus maputi," dagdag ni Bianca. 

Sa huling tweet pa ng Pinoy Big Brother host, sinabi niya kung paano niya tuturuan ang dalawang anak na maging "proud morena."

"I now have two daughters, and both of them are morena. When they grow up, choice nila kung magpapa-tan or magpapaputi sila. But what I will teach them is that being brown is not something 'shameful,' and being brown is not something that makes them less beautiful than others," sabi ni Bianca. 

Sa hiwalay na post naman sa kanyang Instagram, pinakita ni Bianca ang picture noong siya ay 9 years old pa lamang. Sa caption nito sinabi niya, "Hey 9-year old me, you do you, brown skin and all. ⚡ Kahit ano pang sabihin nila, ang pagiging maitim, hindi kapintasan. #proudmorena ❤"

 

Hindi direktang sinabi ni Bianca kung saan nanggagaling ang biglang pagbibigay ng opinyon. 

Pero kasabay ng naturang tweet ay ang naging viral na sa social media na advertisements mula sa dalawang kilalang whitening soap brands, na ayon sa mga netizens ay maaaring sagot ng Kapamilya host.