Who is Erik Matti’s choice for ‘Darna’?

“I only see Nadine Lustre so far as someone who can be Darna," Erik Matti shares his pick on who can play Darna after Liza Soberano's withdrawal from the project.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/16/2019 7:15 AM
Who is Erik Matti’s choice for ‘Darna’?


Matapos bitawan ni Liza Soberano ang pagganap bilang Darna, nagbigay si Erik Matti - ang unang piniling direktor para sa Darna movie remake, ng kaniyang opinyon sa kung sino ang dapat na pumalit at gumanap bilang Pinay superhero. 

Ayon sa batikang direktor, isang kakaibang pagganap sana kung natuloy si Liza sa proyekto. 

"I really feel that Liza would have been a fresh and exciting Darna. She’s young and embodies a lot of potential to create a modern take for this classic superhero character," pahayag ni Matti sa interview ng PhilStar. 

READ: Erik Matti consoles Liza Soberano: ‘There’s life after Darna’ 

Pero matapos mabalitaan ang pagbitaw ni Liza, para kay Matti, wala siyang ibang maisip na pwedeng gumanap nito bukod kay Nadine Lustre.

“After her (Liza), I only see Nadine Lustre so far as someone who can be Darna. Very sultry. She has a lot of female sensuality and at the same time still looks tough and very Filipina.” 

"The key to casting Darna has always been someone who can look plain and ordinary in her Narda alter ego but can be tough, spunky and can be very sexy as well when she transforms to Darna. Nadine can look all of that,” paliwanag ni Matti. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

hun-ty

A post shared by Naddie 🦋 (@nadine) on

 

Una nang nagbigay ng kanyang reaksyon si Nadine tungkol sa pagpili sa kanya ng ilang netizens para gampanan ang role ng Darna. "I’m really happy that they’re very supportive but I know naman kasi that the role is going to be given to someone who’s deserving and someone who can do it. I mean, it doesn’t have to be me. It just has to be someone who can give justice to the role," ayon kay Nadine.

READ: Nadine Lustre on who should play the role of Darna: ‘It doesn’t have to be me’

Bukod kay Nadine, maraming Kapamilya stars din ang kinokonsidera ng mga netizens para gumanap sa Darna role. Nariyan ang ilang pangalan tulad nina Maja Salvador, Pia Wurtzbach, Jessy Mendiola at Yen Santos.

Sa ngayon, wala pang bagong anunsyong ang Star Cinema tungkol sa susunod na gaganap bilang Darna.