• Home
  • Fresh Scoops
  • Twins nina Korina Sanchez at Mar Roxas, may tig-limang pangalan

Twins nina Korina Sanchez at Mar Roxas, may tig-limang pangalan

Kinuwento rin ni Korina ang kanilang naging karanasan sa pagsailalim sa surrogacy.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/15/2019 4:30 PM
Twins nina Korina Sanchez at Mar Roxas, may tig-limang pangalan


Photo credit: @korina on Instagram

Ibinahagi ni Korina Sanchez kina “momshie” Melai Cantiveros, Jolina Magdangal at Karla Estrada ang kanyang mga karanasan ngayong isa na siyang ganap na ina. Sa episode ng Rated K nitong Linggo, Abril 14, ikinuwento ni Korina ang naging proseso ng surrogacy kung saan sila sumailalim ng asawang si Mar Roxas.

“Surrogacy, ibig sabihin, gagamit ka ng ibang babae, ibang sinapupunan na doon i-implant ‘yung embryo mo, siya magdadala. Dito kasi sa Pilipinas, magagaling na sila dito mag-harvest ng eggs, isasama na ‘yan sa semilya ng lalaki, mabubuo na ‘yung embryo dahil ang eggs lang kadalasan hindi nagsusurvive. And then i-fi-freeze ‘yan. Matagal ‘yun. It can last generations na frozen.”  

“Alam mo, sa New York, sa Singapore, thumbs down ako. Sabi nila, ‘di na pwede. Hindi ako naniwala. May nakilala akong doctor dito na magaling, aggressive siya. Binantayan talaga namin, nakabuo.”  

READ: Korina, Mar welcome baby twins

Bukod pa rito ay ibinahagi rin ng TV host-journalist ang buong pangalan ng kanilang mga anak na sina Pepe at Pilar.

READ: Korina Sanchez reveals her babies’ names

Aniya, ang buong pangalan ni Pepe ay Pepe Ramon Gerardo Manuel Denzel. Kwento ni Korina, nakuha ang pangalang Ramon mula sa kanyang ama, Gerardo mula sa tatay ni Mar, Manuel na totoong pangalan ni Mar at Denzel na hango sa pangalan ng idolo ng tumatakbong senador.

Samantala, ang buong pangalan naman ni Pilar ay Pilar Judith Celia Esther Korina. Aniya, nakuha ang Judith sa ina ni Mar, Celia sa ina naman ni Korina, Ester mula sa lola ni Mar at Korina mula sa kanya mismo.