• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunshine Cruz gaganap na ina ni Kim Chiu sa bagong teleserye

Sunshine Cruz gaganap na ina ni Kim Chiu sa bagong teleserye

Sunshine Cruz, masaya sa naging desisyon nang korte tungkol sa annulment ng kasal niya kay Cesar Montano.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/15/2019 8:48 AM
Sunshine Cruz gaganap na ina ni Kim Chiu sa bagong teleserye


Balik Kapamilya ang aktres na si Sunshine Cruz sa isang major all-star teleserye ng Dreamscape na Love Thy Woman.

Dito, nabiro si Sunshine kung ikakasal na ba siyang muli matapos ang naging proseso ng kanyang annulment case sa dating asawa na si Cesar Montano.

“Lord! Lumabas lang recently yung motion for reconsideration ng office of the.. Para doon sa annulment namin. And thank god, it was denied naman” paliwanag ni Sunshine.

Gaganap na nanay ni Kim Chiu si Sunshine kaya naman nagbiro ito na kailangan pa magbawas ng timbang para dito.

“Kailangan magpa-sexy! Ang slim ni Kim e, nape-pressure ako! Hindi, pero I’m really very excited na mag-start na kami dito” aniya.

Challenge din para sa aktres ang matuto ng bagong lenguwahe para sa teleserye.

“Parang kailangan din matuto ng Mandarin, buti na lang yung magiging brother ko dito si David speaks Chinese fluently, siya na lang din ako, pero marunong ako mag-count one to ten ng Mandarin,” pagbibiro ni Sunshine.

Bukod sa Love Thy Woman, isang pelikula ang naka planong gawin para kay Sunshine ngayong 2019.