Sumabak na sa kaliwa't kanan na activities ang 40 lovely candidates ng 2019 Binibining Pilipinas.
May hashtag “Beyond Beauty” ang kanilang kampanya ngayong taon kaya naman ibinahagi ng ilang kandidata ang kanilang mga adbokasiya sa ilang Instagram clips sa official account ng Binibining Pilipinas.
Para sa Binibini mula sa Negros Occidental na si Vickie Rushton, ang pagtulong sa mga kabataan na may Down Syndrome ang kanyang gusto pagtuunan ng pansin.
“My advocacy is something close to my heart and its to raise awareness for people with down syndrome. We live in a world where people are doubting their worth and I just want to build a more loving and peaceful world for them,” sabi ni Vickie.
Paglapit naman sa mga kabataan sa sining ang nais ipahatid ng Binibini mula sa Pasig na si Aya Abesamis.
“As a Fine Arts graduate and an artist, the Arts has been really close to my heart and this is a therapeutic means to help children with stress trauma and disabilities,” paliwanag ni Aya.
Pagbibigay naman ng mga gamit sa paaralan ang advocacy ng kandidata mula sa Masbate na si Hannah Arnold.
“I believe to eradicate future crimes is to keep our children motivated determined and passionate about their education,” pahayag ni Hannah sa video clip.
Si Ashley Lo naman from Cebu City, pagtuturo sa kabataan ang kanyang napiling adbokasiya.
"It's a program called Cornerstone, every Saturday, we go to the Upper Bicutan Elementary School and other government schools and teach the children and high school students how to read, write and comprehend," sabi ni Ashley sa kanyang video.
Sa ngayon, inaabangan na ang national costume at parade of beauties ng mga Binibini, na magaganap ngayong buwan ng Mayo.