• Home
  • Fresh Scoops
  • Arci Muñoz, sinabing sa Disneyland ang gusto niyang wedding proposal

Arci Muñoz, sinabing sa Disneyland ang gusto niyang wedding proposal

"Sa Disneylang ang proposal, habang sa simbahan naman ang kasal," pagbabahagi ni Arci Munoz sa Push Bets Live episode.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/15/2019 9:03 AM
Arci Muñoz, sinabing sa Disneyland ang gusto niyang wedding proposal


Photo credit: @ramonathornes on Instagram/ starstudio.ph

Isa-isang sinagot ng Last Fool Show stars na sina Arci Muñoz at JM De Guzman ang mga tanong sa Pinush Ko Di Ko Pinush Challenge nitong Biyernes, April 12.

Sa naturang episode, parehong inamin ng dalawa na minsan na nilang napag-usapan ang dream wedding sa kani-kaniyang mga kapareha. 

"Oo, pati proposal... Kasi kapag hindi siya nag-propose sa dream proposal ko, ako ang magpopropose," sabi ni Arci sa kanyang kasalukuyang non-showbiz boyfriend na si Anthony Ng. 

"Ako church talaga. O kaya sa Disneyland yung proposal... 'Pag di ka pa nag propose, ewan ko na lang," dagdag na biro pa ni Arci. 

Una nang sinabi ni Arci sa kanyang interview sa Tonight With Boy Abunda na handa na siyang magpakasal sa kanyang long-time boyfriend.

READ: Arci Muñoz on getting married: ‘I think I’m ready whenever’

Samantala, sa parehong episode din ng Push Bets Live, ay inalala ng nina JM at Arci ang minsan namang "nagmakaawa" sila para balikan ng kanilang mga ex. 

Pag-amin ni Arci, naranasan niyang lumuhod sa harap ng ex-boyfriend para makipagbalikan sa kanya. Habang si JM naman ay naghintay at natulog sa labas ng bahay ng kanyang dating girlfriend. "Ako humiga pa sa labas ng bahay nila. Doon ako natulog. Hinintay ko siyang lumabas sa window. Pinapak lang ako ng sobrang raming lamok, hindi ko lang kinaya," kwento ni JM. 

Panuorin ang episode dito:


Showing na ngayon ang pinagbibidahang pelikula nina JM at Arci, ang Last Fool Show, na mula sa direksyon ni Eduardo Roy Jr - ang direktor ng pelikulang Pamilya Ordinaryo. 

Bukod sa Last Fool Show, nakatakda ring bumida sa bagong teleserye sina Arci at JM, na may tentative title na Project Kapalaran