TNT Boys, todo paghahanda na para sa kanilang world tour

Inahamda din ng TNT Boys ang kanilang boses para sa kanilang mga taga pakinig.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/14/2019 11:13 AM
TNT Boys, todo paghahanda na para sa kanilang world tour


All set na sina Mackie Empuerto, Francis Concepcion, at Kiefer Sanchez o mas kilala bilang TNT Boys para sa kanilang “Listen The World Tour” na iikot sa North America.

Sa naging panayam ng entertainment press, bakas ang pananabik sa mga mata ng tatlo para sa kanilang inihandang performance.

“Pinagarap po talaga namin na gusto naming kumanta sa ibang bansa. Nagpapasalamat po kami kay God kasi tinupad po Niya ang gusto namin,” ani Francis.

Hindi naman inasahan ni Kiefer na maaabot nila ang kanilang pangarap na makapag-perform sa iba’t-ibang lugar.

“Unexpected po ito na mangyayari ang lahat ng ito. Ito ‘yung pinagarap namin na magka-concert kami sa ibang bansa,” sabi pa ni Keifer.

Kung pagdating naman sa paghahanda ng kanilang boses, sinugurado din daw ng TNT Boys na handa ito para sa kanilang mga tagapagkinig sa ibang bansa.

“May mga voice coach po kami. Tinuturuan po kami kung paano ang technique kung mawawala man ang boses namin. Para dalawa po ‘yung gagawin namin kung mawawala man ang boses namin ay may technique kami,” pahayag pa ng TNT boys.

Bukod sa concert, inaasahan na ang paglabas ng kanilang bagong single na “Together We Fly” na ire-release anytime soon.

Sa ngayon, puspusan na ang paghahanda ang TNT Boys sa kanilang “Listen The World Tour” na magaganap ngayong buwan ng Abril.