• Home
  • Fresh Scoops
  • Seth Fedelin, bagong katambal ni Andrea Brillantes sa ‘Kadenang Ginto’

Seth Fedelin, bagong katambal ni Andrea Brillantes sa ‘Kadenang Ginto’

Binuo ni Seth Fedelin ang Gold Squad sa teleseryeng ‘Kadenang Ginto’, kasama sina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, at Francine Diaz.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/14/2019 10:47 AM
Seth Fedelin, bagong katambal ni Andrea Brillantes sa ‘Kadenang Ginto’


Ipinakilala ang Ex Pinoy Big Brother Otso teen housemate na si Seth Fedelin bilang bagong dagdag sa cast ng teleseryeng Kadenang Ginto.

Sa isang video mula sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, makikita ang bagong karakter na gagampanan ni Seth, na tila ay makakatambal si Andrea Brillantes.

Tinagurian na Gold Squad ang magiging team up nina Seth, Andrea, at kasama pa sina Kyle Echarri at Francine Diaz.

Ito na ang magiging pinaka-unang proyekto ni Seth mula noong lumabas ng Bahay ni Kuya. Kaya't maraming netizens din ang nagbigay ng reaksyon mula sa comment section ng naturang YouTube video.

Bukod sa Kadenang Ginto, nakahanda ring sumabak sa paggawa ng pelikula si Seth kasama si Beauty Gonzalez sa Abandoned.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Nice too meet you my beautiful nanay 😊 @beauty_gonzalez

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin) on

LOOK: Seth Fedelin begins filming with Beauty Gonzalez

READ: Dreamscape exec defends Seth Fedelin’s casting in film with Beauty Gonzalez: ‘He has potentials’