• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Oh yes kaibigan mo lang ako?’ Jolina Magdangal, na friendzoned daw noon kay Marvin Agustin?

‘Oh yes kaibigan mo lang ako?’ Jolina Magdangal, na friendzoned daw noon kay Marvin Agustin?

Bilang Bujoy at Ned sa classic movie na ‘Labs Kita Okey Ka Lang’, nangyari rin pala sa totoong buhay ang ‘friendzone’ sa pagitan nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/14/2019 10:56 AM
‘Oh yes kaibigan mo lang ako?’ Jolina Magdangal, na friendzoned daw noon kay Marvin Agustin?


Photo credit: @marvinagustin (R) / @mariajolina_ig (L) on Instagram

Sumabak sa 'Tanong Mo Mukha Mo' challenge ang Magandang Buhay host na si Jolina Magdangal sa isang episode ng Hotspot 2.0. Sa nasabing episode ay inamin ng aktres na dati siyang "umasa" o "humopia" sa katambal na si Marvin Agustin.

 

 

"Alam mo ba yung time na yon kung ano ibig sabihin ng friendzone?" tanong ni Jolens sa litrato ni Marvin.

Nang tinanong ng host na si DJ Jhai Ho kung sino ang na-friendzone, agad na sagot ni Jolina ay, "Ako (ang na-frienzoned) dati."

Taong 1997 nang unang nagtambal sina Marvin at Jolina para sa pelikulang F.L.A.M.E.S.

Muling nagbalik ang pagka-humaling ng mga netizens sa love team ng dalawa nang mag-viral ang isang eksena sa kanilang sikat na pelikulang Labs Kita Okey Ka Lang. 

Sa kabila ng pagka-friendzone noon, masayang nanatiling magkaibigan na ngayon sina Jolina at Marvin. Nitong March 12 lang ay inanunsyo ng film production outfit na Project 8 corner San Joaquin ang reunion movie ng dalawa.

"Talagang pinaghahandaan namin to ni Marvin kasi na-miss talaga naming mag-work together," sabi ni Jolina. 

Is Jolina Magdangal and Marvin Agustin’s upcoming movie a sequel to ‘Labs Kita, Okey ka lang?’ 

Marvin-Jolina reunion movie tuloy na tuloy na

Sa ngayon, wala pang nilalabas na title ang mga magiging direktor na sina Dan Villegas at Antonette Jadaone. 

Panuorin ang episode ng Hotspot 2.0 dito: