• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador, nag-react sa napabalitang showbiz comeback ni John Lloyd Cruz

Maja Salvador, nag-react sa napabalitang showbiz comeback ni John Lloyd Cruz

Kilala si Maja Salvador na malapit na kaibigan ni John Lloyd Cruz.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/13/2019 12:11 PM
Maja Salvador, nag-react sa napabalitang showbiz comeback ni John Lloyd Cruz


Photos credit: @iammajasalvador (L)/ @netdrustia (R) on IG

Tikom ang bibig at ayaw nang magbigay detalye pa ng Kapamilya star na si Maja Salvador nang hingin ang kanyang reaksyon sa napipintong pagbabalik-showbiz umano ni John Lloyd Cruz.

READ: John Lloyd Cruz, magbabalik-showbiz?

Kilala si Maja na malapit na kaibigan ni John Lloyd kaya naman isa ang aktres sa nahingan pahayag tungkol dito.

“Nakita ko sa social media, ayaw ko po magsalita kasi bilang isang kapatid niya, I respect him, I respect his decisions,” tugon ni Maja sa panayam ng press kasabay ng paghirang sa kanya bilang dance ambassador ng National Commission for Culture and the Arts.

Matatandaan na sa kalagitnaan ng naging bakasyon ni John Lloyd, nagkaroon pa nang pagkakataon na makita ni Maja ang aktor nang minsan itong bumisita sa kanilang Star Magic handler.

READ: LOOK: Maja Salvador bonds with John Lloyd Cruz

“Kung ano man ang lumalabas, sorry po, ayaw ko po sagutin dahil hindi ko po alam. Ayaw ko magsalita, ayokong sa akin galing (ang) kung ano man,” pahayag ni Maja.

Oktubre noong 2017 nang ma-gfile si John Lloyd Cruz ng Indefinite Leave of Absence sa Star Magic sa hindi na idinetalye pang dahilan.

READ: John Lloyd Cruz to take an indefinite leave of absence from showbiz

Sa ngayon, marami pa din ang nasasabik sa inaasahang muling pagbabalik showbiz ng aktor