• Home
  • Fresh Scoops
  • Janella Salvador, kinausap daw ng Diyos sa pamamagitan ni Erich Gonzales

Janella Salvador, kinausap daw ng Diyos sa pamamagitan ni Erich Gonzales

Janella Salvador, kinuwento ang mensaheng pinadala sa kanya ni Erich Gonzales.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

4/13/2019 11:14 AM
Janella Salvador, kinausap daw ng Diyos sa pamamagitan ni Erich Gonzales


Photo credit: @erichgg on Instagram (R)

Sa Tonight with Boy Abunda, sinabi ni Janella Salvador kung kailan ang exact moment na alam niya naka-move on na siya mula sa pinagdaanang pagsubok last year.

READ: The ElNella Saga: How it began and how it ended 

Ayon kay Janella, “God spoke to me” at ginamit daw nito ang mga kaibigan niya para iparating sa kanya ang mensahe nito.

Ang isa sa mga kaibigang iyon ay si Erich Gonzales na minessage daw siya matapos ang isang gabi na hindi siya makatulog dahil sa pag-iisip ng mga masasamang bagay. “One night, I couldn’t stop thinking about bad things … I was up all night I couldn’t sleep. In the morning amazingly, three different friends of mine who weren’t close to each other messaged me…” kuwento ni Janella. 

Pagpapatuloy ng kuwento ni Janella, “One of them was Erich (Gonzales) and (she said), ‘Hi Ja, I know we just became friends now, but I feel like I’m very much connected with you. And I think God wants to tell you this’ and she sent me a long message telling me that there is something better in store for you…” 

Ayon pa kay Janella, “long and beautiful” ang message mula kay Erich. Halos ganun din daw ang pinadalang message ng dalawa pa niyang kaibigan na nag-message din sa kanya nang umagang yun. 

Pagtatapos ni Janella tungkol sa experience, “I was so overwhelmed. In time of your need talaga, He uses different things to reach out to you. Because your mind is so closed and your heart is closed. It was beautiful.”