Awra Briguela, masayang napagtapos ang ama

Naging inspirasyon ang ama ni Awra Briguela para sa kanya.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/13/2019 6:38 PM
Awra Briguela, masayang napagtapos ang ama


Photo credit: @awrabriguela IG

Proud son naman si Awra Briguela nang mag-post siya kahapon, Abril 12 sa kanyang Instagram na hindi naging balakid para sa kanyang ama ang edad at ngayon ay nakapagtapos na ito ng kolehiyo.

Malaking inspirasyon ito para sa batang aktor at sinabing, “Congrats papa! So proud of you! Sabi nga nila “It’s better than late, than never.’ Kaming lahat nang anak mo sobrang saludo sayo! Kase pinakita mo samen kung gaano kahalaga ang pag aaral! I love you papa!! Congrats ulet!”

 

Pinuri naman ito ng radio host and talent manager na si Ogie Diaz at sinabing nakaka-inspire si Awra dahil natulungan niya ang kanyang ama na makapagtapos.

“Karaniwan nang kwento na ang magulang ay nakapagpatapos ng anak sa Kolehiyo. Sa larawang ito, gusto kong batiin si Awra (ng Ang Probinsiyano), dahil napagtapos niya ang kanyang ama sa kolehiyo.  Congrats, Awra!!!! At ipagpatuloy mo ang kabutihan mo bilang isang anak. Isa kang inspirasyon.”