Pia Wurtzbach number one income earner sa Quezon City

Pia Wurtzbach: ‘Talaga namang dapat nagbabayad tayo ng buwis at dapat talaga on time.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/12/2019 3:32 PM
Pia Wurtzbach number one income earner sa Quezon City


Photo credit: @piawurtzbach on Instagram

Sa ulat ng Bandila, hindi na nagpaabot sa April 15 deadline si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at personal siyang nag-file ng income tax return sa Bureau of Internal Revenue kahapon, April 11.

Ayon sa BIR, number one revenue earner si Pia sa kanyang distrito sa Quezon City. 

Ayon naman kay Pia, obligasyon ng lahat ang pagbabayad ng buwis. “Hindi naman dapat pinag-iisapan pa yan. Talaga namang dapat nagbabayad tayo ng buwis at dapat talaga on time,” ani Pia. 

Sa Lunes, April 15, ang deadline ng filing ng ITR. 

READ EXCLUSIVE: Pia Wurtzbach, nakapagpatayo na ng sariling bahay