• Home
  • Fresh Scoops
  • Pagsikat ni Arjo at Ria Atayde, pinaghandaan ni Sylvia Sanchez?

Pagsikat ni Arjo at Ria Atayde, pinaghandaan ni Sylvia Sanchez?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/12/2019 1:26 PM
Pagsikat ni Arjo at Ria Atayde, pinaghandaan ni Sylvia Sanchez?


Proud nanay ngayon ang aktres na si Sylvia Sanchez para sa mga anak na sina Arjo at Ria Atayde na gumagawa na ngayon ng sariling pangalan sa showbiz.

Kasabay ito ng sunod sunod na mga proyekto na natatanggap ng kanyang mga anak sa iba’t ibang kapamilya shows kung saan sila ngayon napapanuod.

“Kung ano man ang ginawa ng mga anak ko sa showbiz, sariling gawa nila yan, talent nila. Ang maging professional at ang pagiging focus nila sa craft nila, sila ang gumawa non,” sabi ni Sylvia.

Bilang nanay, hindi din inaasahan ni Sylvia na magiging artista ang kanyang mga anak.

“Wala akong pinalaki sa kanila na, ‘O Arjo, ikaw mag-aartista ka,’ kasi gusto ko mag-desisyon din sila sa sarili nila para sa sarili nilang mga buhay. So kung naging artista man si Ria at Arjo hindi ko ginawa yun,” kuwento niya.

At dahil sabay sabay sila ngayon na napapanuod sa ilang kapamilya teleserye, no pressure din para kay Sylvia kung mas sumikat pa ang kanyang mga anak.

“Wala naman pressure kasi siyempre gumagawa na ng sariling pangalan si Ria at Arjo so sobra akong natutuwa. Natatakot lang ako every time na sila yung pinapanuod ko, mas kabado kung ano na naman kaya ang ginawa ng anak ko,” pahayag ng aktres.

Sa ngayon isang serye ang kabibilangan ni Sylvia kasama si Joey Marquez, JM De Guzman, at Arci Muñoz.