Nanliligaw na nga ba si Aljon Mendoza kay Karina Bautista?

Karina Bautista quotes Catriona Gray as a response to bashers calling her ‘malandi.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/15/2019 8:30 AM
Nanliligaw na nga ba si Aljon Mendoza kay Karina Bautista?


Photo credit: @aljonmendozaa on Instagram

Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Pinoy Big Brother Otso Teen Big Four Karina Bautista na ang nangyari sa pagitan nila ni Aljon Mendoza sa loob ng bahay ni Kuya ang rason kung bakit siya diumano ang pinaka-controversial na housemate ngayong season ng PBB

Matatandaan na nahulog ang loob nina Aljon at Karina sa isa’t isa sa loob ng bahay ni Kuya, habang may boyfriend pa noon si Karina. 

READ: Is Aljon Mendoza the reason why Karina Bautista broke up with her non-showbiz boyfriend?

Dahil dito umani rin ng batikos ang dalaga. Pinakamasakit daw kay Karina yung sinabihan siya na “yung hindi ko daw inisip ang boyfriend ko.” Depensa niya, “Inisip ko kaya nga nasa loob pa lang sabi ko ‘wag na… I was conscious and I said I was wrong.”

Sa mga nagsasabi naman na malandi siya, ito ang masasabi ng dalaga. “Masakit po talaga yun, gaya ng sabi ni Catriona (Gray) that doesn’t define you, why would you let those people who don’t even know you define you with their words,” diin ni Katrina.

Sa tanong naman kung nanliligaw na sa kanya ngayon si Aljon, ang sagot ni Karina ay, “hindi po nanliligaw si Aljon. we’re still friends po… Parang it’s respect for myself na rin. I don’t want to rush into things pa lalo na ngayon medyo magulo pa…” 

Tanong naman nghost na si Boy Abunda, “if you were to entertain somebody in your life right now, si Aljon ba ito?” na sinagot naman ni Karina ng, “yes.”

Tungkol naman sa paghihiwalay nila ng kanyang ex-boyfriend, sinabi ni Karina na hindi lang siya ang nakipag-break. “Hindi lang po ako… we decided it both.”

Aminado din siya na isa raw siguro sa rason ng breakup ay dahil sa nasaktan niya ang ex-boyfriend. “Siguro isa na rin yun, pero mas nangingibabaw yung parang time mag-isip that’s why I don’t want to rush things pa muna.”

READ: Karina Bautista, gusto muna mag-soul searching sa ngayon

Ang pinaka-importanteng lesson naman na natutunan ni Karina sa kanyang PBB journey ay, “Learn from your mistakes, Tito Boy. Yung nangyari hindi ko po pinili yun…” 

Tuluyan na ring naiyak si Karina nang ilabas niya ang saloobin tungkol dito. “If I had the chance to choose, why would I choose something that would hurt me eventually in the end? So it’s kind of nonsense. So why would I do that? Pero I didn’t see it pero yun ang nangyari…actually mahirap mag-sorry pero I’ve said sorry a million times…”

Pagtatapos ni Karina, naiintindihan siya ng ex-boyfriend niya at, “nakausap ko pa po yung family niya and they’re fine.”  

READ: Christian Dronio says he still loves girlfriend PBB housemate Karina Bautista