• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador, ipinakilala bilang bagong dance ambassador ng NCCA

Maja Salvador, ipinakilala bilang bagong dance ambassador ng NCCA

Extra special para kay Maja Salvador ang bagong trabaho sa pagpapalaganap ng kultura.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/12/2019 1:21 PM
Maja Salvador, ipinakilala bilang bagong dance ambassador ng NCCA


All smiles ang Kapamilya star na si Maja Salvador nang ipakilala siya bilang bagong ambassador ng National Commission for Culture and the Arts o NCCA sa isa sa mga programa nito na “Dance Xchange”.

Ang “Dance Xchange” ay programa ng NCCA na sinimulan noong 2009 bilang selebrasyon International Dance Day na may temang ngayon taon na “Cultural Connectivity through Dance”.

Kasama sina Dr. Shirley Halili-Cruz at mga kawani ng NCCA, ipinakilala si Maja bilang bagong katuwang ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura sa na humahanga sa husay at talento ni Maja sa pagsasyaw.

 

“Bilang dance ambassador, marami nang kabataan ngayon ang iniidolo ang international music at kung ano ang uso ngayon. Pero hindi lang sa mga kabataan siguro sa atin lahat na din na mga Pilipino, kung alam natin ang magmahal sa ibang sayaw, sana wag natin kalimutan ang sarili nating sayaw,” tugon ni Maja sa press.

 

At bilang kawani na ng kultura ngayon, magiging bahagi din si Maja ng mga paparating na proyekto ng NCCA kabilang na ang paglibot ng “Dance Xchange” sa Pilipinas.

“Ang sarap lang po sa pakiramdam na ang daming nag-recognize sayo sa talent mo sa pagsasayaw,” pahayag pa ni Maja.

Sisimulan ang “Dance Xchange” program ng NCCA ngayong darating na Abril 26 hanggang 30 sa Roxas City, Capiz.