JM de Guzman, pinaasa nga ba si Barbie Imperial?

JM De Guzman speaks up on what he had with Barbie Imperial and what he has with Ria Atayde.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/15/2019 7:15 AM
JM de Guzman, pinaasa nga ba si Barbie Imperial?


Photo credit: @1migueldeguzman on Instagram

Sa Tonight with Boy Abunda, diretsang sinagot ni JM De Guzman ang mga katanungan na may kinalaman sa kanyang love life. Una, sinabi ni JM na hindi niya pinaasa si Barbie Imperial. “Hindi naman po ako ganun. Saka di rin naman siya kaganun-ganun,” ani JM.

Ayon kay JM, hindi daw naging sila ni Barbie. “Hindi po pero I tried to pursue her. After nung show, I told her na baka puwede muna nating i-try, pero maging magkaibigan muna tapos tingnan natin kung puwede bang may mangyari or something.”

Hindi nga lang daw nag-work kung ano man ang meron sila ni Barbie dahil, “pero medyo yung pressure nung trabaho. Sa kanya and sa akin… siya kaka-launch lang, ako kakabalik ko lang. So in short hindi nag-work.”

Sa tanong naman na, “So you were officially together for a certain period of time,” ang sagot ni JM ay, “yes.” Nang tanungin kung ilang buwan iyon, ang sagot ni JM ay, “Wala pa yatang one month yun e.” 

Nali-link naman ang aktor ngayon kay Ria Atayde. Pero nang tanungin kung more than friends na sila ni Ria, ipinaliwanang ni JM kung ano meron sila ni Ria. “Yung meron po kami ngayon, sobrang okay na friendship. As in yung alam mong puwede, posible. Kasi nali-lift niya ako. Nali-lift ko rin siya. Saka positibo and ang dami kong natututunan sa kanya. She’s very sweet …” kuwento ni JM. 

WATCH: Nagkakamabutihan na nga ba sina JM de Guzman at Ria Atayde?

Kailan naman kaya balak ni JM na i-pursue ang dalaga? Ani JM, “Pagka-umabot na ako dun, magpapaalam muna ako kay Tita Sylvia (Sanchez) and Tito Art (Atayde).”  

Wala pa ring balak si JM na mangyari agad ang sinasabing panliligaw kay Ria dahil na rin daw sa hindi ito ina-advise ng mga counselors at psychiatrist niya. 

Alam naman daw ng lahat ang pinagdaanan ni JM pagdating sa love. “Sa na-experience ko… hindi nila ina-advise. Sabi nga nila three years daw e or two years bago ako puwede…Hindi naman nila ako pinipigilan (pero sabi nila) relax ka muna. ‘Wag mo muna isugod yung puso mo, kasi baka sumubsob ka na naman.’” 

READ: JM De Guzman, ibinahagi ang pinagdaanang breakup