• Home
  • Fresh Scoops
  • Ion Perez to Vice Ganda: ‘Okay lang ako masaktan, maging masaya ka lang’

Ion Perez to Vice Ganda: ‘Okay lang ako masaktan, maging masaya ka lang’

Vice Ganda and Ion Perez made fans shriek with their sweet banter.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/12/2019 11:40 AM
Ion Perez to Vice Ganda: ‘Okay lang ako masaktan, maging masaya ka lang’


Muling pinakilig nina Vice Ganda at “Kuya Escort” Ion Perez and madlang people nang mag-asaran sila muli kahapon, Abril 11, sa It’s Showtime. Sumama rin sa kanila si “Ate Girl” Jackque Gonzaga.

Sa segment na “KapareWho” ay nagtanong si Vice ng mga gagawin nila sa mga iba’t ibang sitwasyon at sinabi naman ni Ion sa kanya na, “Okay lang ako masaktan, maging masaya ka lang.

“Doon ko ipaparamdam sa taong mahal ko na sobrang importante siya sa akin,” dagdag pa niya.

“Isa-sacrifice ko ang lahat tulad ng masaktan man ako ng paulit-ulit para maging masaya ka,” ani Ion nang tanungin ni Vhong Navarro kung ano ba ang mga bagay na kaya niyang isakripisyo para sa komedyante.

Nang tanungin naman siya ni Vice Ganda kung “naglolokohan” na lang sila ay sinagot naman siya nito ng “Never ako nakipagbiruan sa ‘yo… Sa ngiti lang ‘yun, pero ‘yung nararamdaman ko sa ‘yo, seryoso.”

Kinilig naman ang madlang people at hindi rin naman nagpahuli si Jackque sa mga banat nila.

Kamakailan ay naging trending topic sa social media na may ugnayan sina Vice Ganda at Ion ngunit hindi naman ito kinumpirma ng dalawa.