• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: McCoy de Leon recalls Holy Week unforgettable experience

EXCLUSIVE: McCoy de Leon recalls Holy Week unforgettable experience

McCoy de Leon says there’s a good reason why his family always stays at home during Holy Week.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/12/2019 9:35 AM
EXCLUSIVE: McCoy de Leon recalls Holy Week unforgettable experience


Photo credit: @hashtag_mccoydl on Instagram

Hindi pala uso sa pamilya ni McCoy de Leon ang lumabas ng bahay pag Holy Week. Ito ang naikuwento ng ka-loveteam ni Maris Racal sa We Will Survive at isa sa mga miyembro ng Hashtag.

“Pag Holy Week po kasi di kami umaalis. Ayaw po naming umalis kasi Holy Week, sa bahay lang po kami. Hindi po kami nagbi-beach, ayaw po namin ng ganu’n.

“Kasi one time po na nag-beach kami, I think sa Bohol po yon, parang ang daming nangyari. Namatay ang aso namin, yung ibang gamit namin nasira, tapos ang dami pong hindi magandang nangyari.

“Simula po non, parang tama lang na mag-stay kami sa bahay, mag-pray at mag-spend ng time with family, bonding po... malaking bagay na po sa amin yon,” kuwento ni McCoy.

Dahil araw-araw sa It’s Showtime at busy rin sa taping ng We Will Survive, aware ang binata na wala na rin siyang halos panahon sa kanyang pamilya ngayon.

“Hindi naman po sila nagrereklamo, masaya naman po sila. Kaso nga, meron ding mga time na kailangan nila ako, pero hindi ko na kaya. Kunyari, nagpapakuwento si mommy, nagpapakuwento siya kaso ako wala nang... ‘Mommy, hindi ko na kaya inaantok na ako.’

“Nahihiya din ako kasi mommy ko yon, ‘di ba, tapos minsan ko lang makasama, pero kasi nga sobrang pagod ka kaya kailangan mo ng matulog kasi yung katawan ko mismo bumibigay. Gusto kong matulog muna.

“Kaya itong Holy Week, babawiin ko lahat, pati tulog kasi kailangan po talaga,” masaya niyang kuwento sa plano niya.

Masaya si McCoy sa napakagandang feedback sa kanilang We Will Survive na pinagbibidahan din nina Pokwang at Melai.

“Sobrang nakakatuwa po. Tsaka po yung show namin, sobrang light lang po, eh. Kumbaga, bago mag balita, bago yung mga nakakabigat sa pakiramdam, eh, yon (We Will Survive) muna. Parang fun muna, masaya saka kilig din,” reaksyon pa niya.

Maging ang tambalan nila ni Maris ay nagugustuhan na rin ng televiewers.

“Gusto po kasi namin na yung sa part namin ni Maris, parang Meteor Garden yung peg namin. Tapos pag tumagal po, baka may changes din, hindi pa po namin alam. Depende pa po sa kanila,” masayang pahayag niMcCoy.