• Home
  • Fresh Scoops
  • Ex Battalion member Jon Gutierrez, nagsalita sa isyung hiwalay na sila ng asawa na si Jelai Andres

Ex Battalion member Jon Gutierrez, nagsalita sa isyung hiwalay na sila ng asawa na si Jelai Andres

Kumalat ang balitang hiwalay na sina Jelai Andres at Jon Gutierrez matapos umugong ang balitang nangaliwa ang Ex Battalion member.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/12/2019 10:20 AM
Ex Battalion member Jon Gutierrez, nagsalita sa isyung hiwalay na sila ng asawa na si Jelai Andres


Photo credit: @king_inamo on Instagram/ Inday Will Always Love You FB

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang Ex Battalion member na si Jon Gutierrez na kilala rin bilang si King Badger sa Internet matapos kumalat ang bali-balitang hiwalay na sila ng kanyang asawang si Jelai Andres.

Naunang pumutok ang isyung nagkaroon di umano ng third party ang kanilang relasyon at nagsalita na rin sa Facebook live ang tinutukoy nilang naging dahilang ng pagkakasira ng relasyon nina Jon at Jelai.

Sa press conference ng “Sons of Nanay,” iniulat naman ng ABS-CBN News na binigyang linaw na ni Jon ang isyung hiwalayan nila.

“I just wanna say na nobody's perfect, I am not perfect," aniya.

"I made a mistake but right now I'm in the process of sorting it out with my wife. I'm trying to save my marriage but, like I said, everyone makes mistakes,” dagdag pa niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Bare.

A post shared by Jon Twoda Gutierrez (@king_inamo) on

Hindi na rin pa sinagot ni Jon ang iba pang mga katanungan tungkol sa kanyang asawa.

"Any questions about my wife, please don't ask it. That's the last question I'm going to answer about it because that's too personal. Thank you."

Ikinasal sina Jon at Jelai noong 2018 at kamakailan ay naging trending topic sa internet ang isyung third party ng rapper.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

DREAMS ❤️🔥💍

A post shared by Jon Twoda Gutierrez (@king_inamo) on