Bakit nagsimulang mag-vlog si Jessy Mendiola?

Jessy Mendiola, sinabing hindi exit plan ang pagkakaroon ng business.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

4/15/2019 7:30 AM
Bakit nagsimulang mag-vlog si Jessy Mendiola?


Photo credit: @senorita_jessy on Instagram

Sa Tonight with Boy Abunda, masayang ikinuwento ni Stranded star Jessy Mendiola kung papaano siya napunta sa mundo ng vlogging. Aniya matagal na nila itong pinagpa-planuhan. “I wanted to explore…  (Naisip ko) ‘di naman ako masyadong nakikita sa TV and puro movies yung ginagawa ko, bakit kaya hindi ko i-try.”

Ayon pa kay Jessy, “Nakakatuwa kasi sobrang love ko ang vlogging ngayon.” Marami din daw netizens na nagsasabing natutuwa sila dahil sa nakikita nila ang ibang side ni Jessy. 

READ: Luis Manzano shares how mom Vilma Santos saved Jessy Mendiola from fire when she was young

Dagdag pa ni Jessy, “I’m really happy na I could tackle anything under the sun. Yung content namin, yung topics namin ako din yung nag-iisip.” 

Very suppprtive din daw ang nobyong si Luis Manzano sa pag-vlog ni Jessy. “Luis is very supportive of my vlogging. Siya din yung videographer ‘pag nasa ibang bansa kami.” 

Pero na-master na nga ba ni Jessy kung papaano i-handle ang mga bashers? Oo daw ayon kay Jessy at pagdating sa bashers ay “dedma” na lang siya. Pero may mga ilan daw na sinasagot niya dahil para kay Jessy, “If you have your opinion, I have my own opinion too. So let’s just agree to disagree.” 

May 93 thousand followers na daw agad si Jessy sa kanyang vlog sa loob lang ng three months.

May sinimulan din na negosyo ang 26-year old actress at nang tanungin kung exit plan niya ito sa showbiz, ayon kay Jessy ay, “it’s not naman. I’m just preparing for the future also. I want something to do ‘pag mommy na ako. Puwede mong gawin at home inaalagaan mo ang babies and all.” 

Ready na din daw si Jessy sa buhay may asawa at yes ang sagot niya kung magpo-propose na ng marriage sa kanya si Luis.