• Home
  • Fresh Scoops
  • Arci Muñoz, sinabing ‘sugar mommy’ raw siya sa dating karelasyon

Arci Muñoz, sinabing ‘sugar mommy’ raw siya sa dating karelasyon

Masayang binalikan nina Arci Muñoz at JM De Guzman ang mga pinaka-baliw na nagawa nila para sa pag-ibig.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/15/2019 7:00 AM
Arci Muñoz, sinabing ‘sugar mommy’ raw siya sa dating karelasyon


Photo credit: @ramonathornes on Instagram

Masayang nag-kuwento ng kani-kaniyang "kabaliwan sa pag-ibig" sina Arci Muñoz at JM De Guzman sa isang PUSH Bets Live episode kahapon, April 10.

Para kay Arci, tinuturing niya ang sarili bilang "sugar mommy" ng dating karelasyon. "E kasi nga ganito, lalaki talaga ako sa relationship. Pag mayroon akong boyfriend talagang give-give-give, sugar-mommy nga ako," sabi ni Arci.

Inalala ng Kapamilya actress ang minsan niyang pina-renovate ang bahay ng ex-boyfriend at binilhan pa ng mga gamit sa bahay.

"So nag-renovate kami ng room, ako lang mag-isa at yung driver ko. Pinunturahan ko yung pader ng [bahay ng] ex ko, bumili ako ng kama, mga furnitures. Lalaki nga talaga ako, promise," kuwento niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Bakit nga ba walang tubig? 🤯🤯🤯

A post shared by Arci Munoz 🌻 (@ramonathornes) on

Sa parehong episode, hindi makapaniwala si Arci nang ikuwento naman ni JM ang minsang pagsorpresa sa ex girlfriend para mag-sorry sa isang bar. Kasabwat ang mga tao sa loob ng bar, binigyan niya ang mga lalaki ng bulaklak para isa-isang ibigay sa ex-girlfriend habang siya naman ay kumakanta at may pinapalabas na video.

"Paisa-isang pumunta sa kanya yung mga lalaki, binigyan siya ng rosas, pinanuod niya yung video. Tapos after non, kiniss niya ako, tapos umalis na siya," ani JM, na ikinalungkot naman ng mga hosts.Samantala, masayang sinabi din ni Arci na proud siya sa kanyang pagiging independent na aktres at walang permanenteng ka-love team.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Not yer typical romcom! promise!! #lastfoolshow now showing!!!😈

A post shared by Arci Munoz 🌻 (@ramonathornes) on

"Exciting din kasi na iba na naman yung makakasama mong tao. And its also another discovery for you, malaking bagay yun bilang artista na makakasalamuha ng iba't ibang tao," pahayag ni Arci na maaari na ring daw tawaging "Universal Leading Lady".

Bida sa bagong romantic comedy film sina JM at Arci sa Last Fool Show na mapapanuod na ngayon sa mga sinehan. Bukod dito, nakatakda ding magsama ang dalawa sa isang bagong teleserye na may pamagat na Project Kapalaran.

Panuorin ang buong episode ng Push Bets dito: