Yen Santos, posible bang gumanap bilang Darna?

Yen Santos at Jericho Rosales, mainit na tinanggap sa Morong, Rizal

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/11/2019 10:39 AM
Yen Santos, posible bang gumanap bilang Darna?


Photo Credit: Star Cinema (L)/ @ysantos on IG (R)

Kahit sobrang busy sa taping ng ABS-CBN primetime series na Halik ay nagagawa pa ring pasayahin nina Jericho Rosales at Yen Santos ang kanilang fans at supporters sa motorcade na inorganisa ng Brilliant Skin Essentials headed by Glenda Victorio noong April 7 sa Barangay San Juan, Morong Rizal.

Naghintay at mainit na tinanggap sina Yen at Jericho ng kanilang fans at supporters na panay ang kaway habang nakasakay sa float. More than one hour din tumagal ang parada.

Si Jericho ay gumaganap na Lino sa Halik samantalang si Yen naman ay si Jacky.

Nang makausap ng ilang showbiz press si Yen ay nagpapasalamat ang aktres sa napakagandang pagtanggap ng publiko sa serye nilang Halik.

Aniya, “Super-duper happy ako and very thankful talaga na naging hit yung show and siyempre sobrang pasasalamat namin sa fans na talagang tinutukan kami from the very beginning.

“And sana, ngayong malapit na kaming matapos, hinihingi pa rin namin ang patuloy na suporta nila, lalo na last three weeks na po kami.”

Aminado si Yen na marami siyang mami-miss kapag natapos na ang Halik.

“Maraming mami-miss dahil ang tagal naming nagsama-sama. One year mahigit naming ginawa yung show, so siyempre yung friendship nandun na. Na-extend na po kami, maraming beses,” sambit pa niya.

After Halik ay hindi muna makakapagbakasyon si Yen.

“Meron po akong ginagawang film ngayon, yung Two Love You, kaya hindi po muna magbabakasyon. Sana makapasok po siya for PPP (Pista ng Pelikulang Pilipino).

“Then after nun, bakasyon na rin, baka po sa States naman,” sabi niya ulit.

Dahil hot topic kung sino ang gaganap na Darna ngayong nag-back out na si Liza Soberano, natanong din si Yen kung ano ang pakiramdam niya na may mga naniniwalang puwede rin siyang maging Darna?

“Ay! Wow! Naku po! Baka po puwedeng ako na lang yung bato,” sabay tawa ng aktres.

Eh, what if i-consider nga siya to play the role ng iconic Pinoy superhero?

“Naku, feeling ko po ano, hindi po yun para sa akin,” reaksyon niya.

Samantala, after the parade ay pinuntahan din nina Yen at Jericho ang unveiling ng manufacturing plant ng Brilliant Skin Essentials sa Morong, Rizal.