Ruffa Gutierrez, balik Kapamilya sa bagong teleserye

Sa Pinoy version ng Betty La Fea ang huling ABS-CBN teleserye ni Ruffa Gutierrez.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/11/2019 12:57 PM
Ruffa Gutierrez, balik Kapamilya sa bagong teleserye


Isa si Ruffa Gutierrez sa mga aabangan sa bagong teleserye ng Dreamscape na Love Thy Woman.

Dito, napa-throwback si Ruffa sa huling protekto na kanyang ginawa sa ABS-CBN.

“Nandito ako ulit! Actually my last teleserye with ABS-CBN was I Love Betty La Fea under Dreamscape also, so haping happy ako kasi bagay na bagay sa akin yung role,” aniya sa panayam sa naganap na story conference ng bagong proyekto.

Nagbigay patikim pa ang TV host-actress sa kanyang magiging role sa upcoming project.

“Siyempre mayaman! Mayaman na colorful ang character. I’m the third wife or kabit ni Boyet De Leon. Natutuwa nga ako ang tawag ko sa kanya dati ‘sir’ at saka ‘Tito Boyet’. Ngayon, asawa ko na siya,” kuwento ni Ruffa.

 

At sa kanyang pagbabalik, focused din TV host actress sa kanyang mga anak na sina Lorin at Venice na nahihilig na rin sa pag-artista. Bilin lang ni Ruffa huwag pabayaan ang pag-aaral.

“Ako naman, hindi ko sila pinipigilan mag artista, as long as they focus on their studies. Kasi gusto ko naman may fallback sila kahit mag-artista sila. Gawin nila yun pero kailangan mayroon silang natapos,” pahayag ni Ruffa.

Inaasahan na sa pagpasok ng buwan ng Mayo sisimulan ang shoot ng pinakabagong proyekto ng Dreamscape sa direksyon ni Jeffrey Jeturian